إعدادات العرض
Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina sa mga tao, ang mga hamak sa kanila, at ang mga masa sa kanila."
Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina sa mga tao, ang mga hamak sa kanila, at ang mga masa sa kanila."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina sa mga tao, ang mga hamak sa kanila, at ang mga masa sa kanila." Nagsabi si Allah sa Paraiso: "Ikaw ay awa Ko lamang; naaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang niloloob Ko sa mga lingkod Ko." Nagsabi Siya sa Impiyerno: "Ikaw ay parusa Ko lamang; nagpaparusa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang niloloob Ko sa mga lingkod Ko. Ukol sa isa sa inyong dalawa ang kapunuan niya." Tungkol naman sa Impiyerno, hindi ito mapupuno hanggang sa ilagay ni Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas, ang paa Niya. Magsasabi ito: "Sapat na, sapat na, sapat na." Doon napupuno ito at isisiksik ang isang bahagi nito sa ibang bahagi. Hindi lumalabag si Allah sa katarungan sa nilikha Niya ni isa man. Tungkol naman sa Paraiso, tunay na si Allah ay magpapasimula para rito ng [ibang] nilikha.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kurdîالشرح
Nagyabang ang Impiyerno sa Paraiso na ito ay lugar ng paghihiganti ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa mga maniniil, mga mapagmalaki, at mga salarin, na sumuway kay Allah at nagpasinungaling sa mga sugo Niya. Tungkol naman sa Paraiso, tunay na ito ay dumaing dahil ang pumapasok dito ay ang mga mahina, ang mga maralita, at ang mga tao ng karalitaan kadalasan, bagkus sila ay mga nagpapakumbaba kay Allah, na mga nagpapasakop sa Kanya. Ang sinabing ito ay sinabi ng Paraiso at Impiyerno sa tunay na pagkakasabi. Naglagay nga si Allah para sa kanilang dalawa ng damdamin, pagkatalos, isip, at pananalita. Si Allah ay hindi napanghihina ng anuman. Nagsabi si Allah sa Paraiso: "Ikaw ay awa Ko lamang; naaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang niloloob Ko sa mga lingkod Ko." Nagsabi Siya sa Impiyerno: "Ikaw ay parusa Ko lamang; nagpaparusa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang niloloob Ko sa mga lingkod Ko." Ito ay hatol ni Allah sa kanilang dalawa. Nangangahulugan ito: na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay lumikha sa Paraiso upang kaawaan sa pamamagitan ng pagpasok rito ang sinumang niloob Niya sa mga lingkod Niya, ang sinumang nagmagandang-loob Siya roon at ginawa iyon bilang karapat-dapat doon. Tungkol naman sa Impiyerno, nilikha Niya ito para sa sinumang sumuway sa Kanya, at tumangging sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya. Parurusahan Niya sila sa pamamagitan nito. Iyon lahat ay pag-aari Niya. Kumukontrol Siya rito sa papaanong paraang niloloob Niya. Hindi Siya pananagutin sa anumang ginagawa Niya samantalang sila ay pananagutin. Subalit walang papasok sa Impiyerno maliban sa sinumang naoobliga roon dahil sa gawa niya. Pagkatapos ay nagsabi Siya: "Ukol sa isa sa inyong dalawa ang kapunuan niya." Ito ay isang pangako mula kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa kanilang dalawa na pupunuin Niya silang dalawa ng mga maninirahan sa kanilang dalawa. Nasaad nga ang hiling mula sa Impiyerno nang tahasan gaya ng sinabi Niya, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 50:30): "Sa araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: 'Napuno ka ba?' at magsasabi ito: 'Mayroon pa bang dagdag?'" Sumumpa si Allah, pagkataas-taas Niya, na talagang pupunuin nga Niya ang Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang magkakasama. Ang Paraiso at ang Impiyerno ay tahanan ng mga anak ni Adan at mga jinn matapos ang pagtutuos. Kaya ang sinumang sumampalataya at sumamba kay Allah lamang at sumunod sa mga sugo Niya, ang hantungan niya ay ang Paraiso; at ang sinumang sumuway, tumangging sumampalataya, at nagmalaki, ang hantungan niya ay ang Impiyerno. Nagsabi siya: "Tungkol naman sa Impiyerno, hindi ito mapupuno hanggang sa ilagay ni Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas, ang paa Niya. Magsasabi ito: 'Sapat na, sapat na, sapat na.' Doon napupuno ito at isisiksik ang isang bahagi nito sa ibang bahagi. Hindi lumalabag si Allah sa katarungan sa nilikha Niya ni isa man." Ang Impiyerno ay hindi mapupuno hanggang sa ilagay ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa ibabaw nito ang paa Niya kaya masisiksik ito, magsasama ang ibang bahagi sa ibang bahagi, at sisikip para sinumang nasa loob nito. Sa pamamagitan niyon mapupuno ito. Hindi lumalabag ang Panginoon mo sa katarungan sa isa man. Kinakailangan ang pagkilala sa paa para kaya Allah, pagkataas-taas Niya, nang walang paglilihis sa kahulugan, ni pag-aalis sa kahulugan, at nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan ni pagtutulad. Pagkatapos ay nagsabi Siya: "Tungkol naman sa Paraiso, tunay na si Allah ay magpapasimula para rito ng [ibang] nilikha." Tungkol naman sa Paraiso, hindi ito mapupuno hanggang sa lumikha si Allah, pagkataas-taas Niya, para rito ng ibang mga nilikha at sa pamamagitan nila mapupuno ito.