إعدادات العرض
{May isang lalaking pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka kumausap ito sa kanya kaugnay sa ilang bagay saka nagsabi ito: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gumawa ka ba sa akin bilang katumbas kay…
{May isang lalaking pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka kumausap ito sa kanya kaugnay sa ilang bagay saka nagsabi ito: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gumawa ka ba sa akin bilang katumbas kay Allāh? Sabihin mo: Ang niloob ni Allāh – tanging Siya."}
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang lalaking pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka kumausap ito sa kanya kaugnay sa ilang bagay saka nagsabi ito: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gumawa ka ba sa akin bilang katumbas kay Allāh? Sabihin mo: Ang niloob ni Allāh – tanging Siya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português සිංහල Svenska ગુજરાતી Yorùbá Tiếng Việt Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Čeština Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof Українська ქართული Magyar Moore Shqip Македонски Azərbaycan Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ O‘zbek Italiano ភាសាខ្មែរالشرح
May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka kumausap ito sa kanya kaugnay sa isang nauukol dito. Pagkatapos nagsabi ito: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" Nagmasama sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkasabing ito at nagpabatid siya rito na ang pagdugtong ng kalooban ng nilikha sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng AT ay isang Maliit na Shirk. Hindi pinapayagan sa Muslim na bumigkas nito. Pagkatapos gumabay siya rito sa tamang pagsabi: "Ang niloob ni Allāh – tanging Siya." Kaya naman ibinubukod-tangi si Allāh sa kalooban Niya at hindi idinudugtong dito ang kalooban ng isa man sa pamamagitan ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng pagdurugtong.فوائد الحديث
Ang pagsaway laban sa pagsabi ng: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" at anumang nakawangis nito kabilang sa may pagdurugtong ng kalooban ng tao sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng AT dahil ito ay isang Maliit na Shirk.
Ang Pagkakinakailangan ng Pagmamasama ng Nakasasama
Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsanggalang nga sa bakuran ng Tawḥīd at nagpinid sa mga daan ng Shirk.
Sa pagmamasama sa nakasasama, makabubuti ang pagtuon sa inaanyayahan tungo sa isang pinapayagang kapalit bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagtutugma sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth na ito: "Ang niloob ni Allāh – tanging Siya" at ng sabi niya sa ibang ḥadīth: "Sabihin mo: Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS ang niloob mo" ay na ang pagsabi ng tao na: "Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS ang niloob mo" ay pinapayagan subalit ang pagsabi niya na: "Ang niloob ni Allāh – tanging Siya" ay higit na mainam.
Pinapayagan na magsabi ka ng: "Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS ang niloob mo" subalit ang pinakamainam ay ang pagsabi ng: "Ang niloob ni Allāh – tanging Siya."