إعدادات العرض
Dalhin mo ang mga sandalyas kong ito. Ang sinumang makatagpo mo sa labas ng harding ito, na sumasaksing walang Diyos kundi si Allah, na nakatitiyak rito sa puso niya, palagurin mo siya ng balita ng [pagpasok sa] paraiso.
Dalhin mo ang mga sandalyas kong ito. Ang sinumang makatagpo mo sa labas ng harding ito, na sumasaksing walang Diyos kundi si Allah, na nakatitiyak rito sa puso niya, palagurin mo siya ng balita ng [pagpasok sa] paraiso.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na Nagsabi: "Kami noon ay nakaupo sa paligid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at kasama namin sina Abū Bakr at `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa piling ng ilang tao. Tumindig ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagitan namin [upang umalis]. Natagalan siya sa pagbalik sa amin. Natakot kami na dukutin siya nang wala kami. Nanghilakbot kami kaya tumayo kami. Ako ang unang nanghilakbot kaya lumabas ako na naghahanap sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, hanggang sa dumating ako sa isang hardin ng mga Anṣārīy ng liping Najjār. Umikot ako roon. Makahahanap ba ako ng isang pintuan? Hindi ako nakahanap. Mayroon palang isang sapa-sapaang pumapasok sa loob ng hardin mula sa balon sa labas nito. Ang sapa-sapaan ay maliit na batis. Naghukay ako at nakapasok ako sa kinaroroonan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi siya: 'Abu Hurayrah?' Nagsabi ako: 'Opo, o Sugo ni Allah.' Nagsabi naman siya: 'Ano ang nangyari sa iyo?' Nagsabi ako: 'Ikaw kanina ay nasa piling namin. Umalis ka at natagalan ka sa pagbalik sa amin. Natatakot kami na dukutin ka nang wala kami. Nanghilakbot kami. Ako ang unang naghilakbot kaya pinuntahan ko ang hardin na ito. Naghukay ako gaya ng paghukay ng soro samantalang ang mga taong ito ay nasa likuran ko.' Nagsabi siya: 'O Abū Hurayrah,' at ibinigay niya sa akin ang mga sandalyas niya at nagsabi : 'Dalhin mo ang mga sandalyas kong ito. Ang sinumang makatagpo mo sa labas ng harding ito, na sumasaksing walang Diyos kundi si Allah, na nakatitiyak rito sa puso niya, palagurin mo siya ng balita ng [pagpasok sa] paraiso.'" Binigkas niya ang hadith nito sa kahabaan nito.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Kurdî Português Kiswahili Nederlands অসমীয়াالشرح
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nakaupo noon sa piling ng ilan sa mga kasamahan niya. Kasama niya sina Abū Bakr at `Umar. Umaliis ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Pagkatapos ay natagalan siya sa pagbalik sa kanila. Natakot sila na may isang taong dumukot sa kanya nang wala sila dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pinaghahanap ng mga nagkukunwaring Muslim at ng iba pa sa kanila na mga kaaway ng Islam. Tumindig ang mga kasamahan, malugod si Allah sa kanya, na mga nanghihilakbot. Ang unang nanghilakbot ay si Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya. Dumating ito sa isang hardin ng liping Najjār. Nagsimula itong umikot doon nang harinawa ito ay makakita ng isang pintuang nakabukas. Hindi ito nakahanap ngunit nakakita ito ng maliit na butas sa dingding na pinapasukan ng tubig. Isiniksik nito ang sarili hanggang sa nakapasok. Natagpuan nito ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagsabi siya: "Abu Hurayrah?" Nagsabi naman ito: "Opo." Ibinigay niya rito ang mga sandalyas niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, bilang patunay at tanda na siya ay tapat. Nagsabi siya : "Dalhin mo ang mga sandalyas kong ito. Ang sinumang makatagpo mo sa labas ng harding ito, na sumasaksing walang Diyos kundi si Allah, na nakatitiyak rito sa puso niya, palagurin mo siya ng balita ng [pagpasok sa] paraiso.'" Ito ay dahil sa ang nagsasabi ng pananalitang ito habang nakatitiyak rito sa puso niya ay kailangang magsagawa sa mga utos ni Allah at umiwas sa mga pagbabawal ni Allah dahil siya ay nagsasabing walang sinasambang karapat-dapat kundi si Allah. Kapag ito ang kahulugan ng dakilang pananalitang ito, siya ay kailangang sumamba kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, tanging sa Kanya na walang katambal sa Kanya. Ang sinumang nagsabi nito sa pamamagitan ng dila niya nang hindi nakatitiyak dito sa puso niya, ito ay hindi niya pakikinabangan.