إعدادات العرض
Walang iba ang pitong langit at ang pitong lupa sa palad ng Napakamaawain kundi gaya ng buto ng mustasa sa kamay ng isa sa inyo.
Walang iba ang pitong langit at ang pitong lupa sa palad ng Napakamaawain kundi gaya ng buto ng mustasa sa kamay ng isa sa inyo.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Walang iba ang pitong langit at ang pitong lupa sa palad ng Napakamaawain kundi gaya ng buto ng mustasa sa kamay ng isa sa inyo."
[Ipinarating ni Al-Albānīy sa Pagtutumpak niya buhat kay Ibnu Taymiyah at hindi niya tinunton ito] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Jarir - Isinaysay ito ni Adh-Dhahabiy sa Al-Uluw - Isinaysay ito ni Abdullah na anak ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහලالشرح
Ipinababatid sa atin ni Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa ulat na ito na ang proporsiyon ng pitong langit at pitong lupa kaalinsabay ng laki ng mga ito kung ihahambing sa palad ni Allah na Napakamaawain ay gaya ng sukat ng maliit na buto ng mustasa sa kamay ng isa sa atin. Iyon ay isang pagwawangis sa isang sukat kung ihahambing sa isa pang sukat, hindi pagwawangis ng isang palad sa iba pang palad dahil si Allah ay hindi maiwawangis sa mga katangian Niya ang anuman gaya ng hindi pagkakawangis ng sarili Niya sa anuman.