إعدادات العرض
Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: 'Walang Diyos kundi si Allāh' nang wagas mula sa puso niya o sarili niya."}
Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: 'Walang Diyos kundi si Allāh' nang wagas mula sa puso niya o sarili niya."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nagsabi: {Sinabi: "O Sugo ni Allāh, sino po ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan mo sa Araw ng Pagbangon?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang nagpalagay ako, O Abū Hurayrah, na walang magtanong sa akin tungkol sa usapang ito na isa man na una kaysa sa iyo dahil sa nakita ko na sigasig mo sa usapan. Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: 'Walang Diyos kundi si Allāh' nang wagas mula sa puso niya o sarili niya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە සිංහල தமிழ் ไทย دری Български Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda тоҷикӣ O‘zbek Akan नेपाली Moore Azərbaycan Wolof Oromoo Soomaali Українська bm km rn ქართული Македонски Српски Lingalaالشرح
Nagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan niya sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: "Walang Diyos kundi si Allāh" nang wagas mula sa puso nito. Ibig sabihin: "Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh," at na maging ligtas ito mula sa Shirk at pagpapakitang-tao.فوائد الحديث
Ang pagpapatibay sa Pamamagitan (Shafā`ah) para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kabilang-buhay at na ito ay hindi mangyayari kundi sa mga Monoteista.
Ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pagsusumamo niya kay Allāh para sa sinumang naging karapat-dapat sa Impiyerno kabilang sa mga Monoteista, na hindi nawa ito pumasok doon; at para sa sinumang pumasok doon, na lumabas nawa ito mula roon.
Ang kainaman ng Pangungusap ng Tawḥīd na wagas ukol kay Allāh at ang kadakilaan ng epekto nito.
Ang pagsasakatotohanan ng Pangungusap ng Tawḥīd ay sa pamamagitan ng kaalaman sa kahulugan nito at paggawa ayon sa kahilingan nito.
Ang kalamangan ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) at ang pagsisigasig niya sa kaalaman.