إعدادات العرض
Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa iba pa kay Allāh na isang kaagaw, papasok siya sa Impiyerno
Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa iba pa kay Allāh na isang kaagaw, papasok siya sa Impiyerno
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangungusap at nagsabi ako ng isang iba naman. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa iba pa kay Allāh na isang kaagaw, papasok siya sa Impiyerno." Nagsabi ako mismo: "Ang sinumang namatay habang siya ay hindi dumadalangin sa isang kaagaw kay Allāh, papasok siya sa Paraiso."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá ئۇيغۇرچە Hausa ไทย دری Кыргызча or Kinyarwanda नेपाली Română Malagasy Lietuvių Oromoo Nederlands Soomaali Српски Українська ಕನ್ನಡ Wolof Moore ქართული Azərbaycan Magyar Македонскиالشرح
Nagpapabatid sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagbabaling ng anuman, kabilang sa kinakailangan na maging ukol kay Allāh, sa iba pa sa Kanya, gaya ng pagdalangin sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya) o pagpapatulong sa iba pa sa Kanya, at namatay sa gayon, tunay na siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Nagdagdag si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na ang sinumang namatay habang siya ay hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman, tunay na ang kahahantungan niya ay tungo sa Paraiso.فوائد الحديث
Ang panalangin ay pagsambang hindi ibinabaling kundi kay Allāh (napakataas Siya).
Ang kainaman ng Tawḥīd at na ang sinumang namatay rito ay papasok sa Paraiso, kahit pa pagdurusahin siya dahil sa ilan sa mga pagkakasala niya.
Ang panganib ng Shirk at na ang sinumang namatay rito ay papasok sa Impiyerno.