Ang lupa na lahat-lahat niya ay Masjid (Simbahan o lugar na pagpapatirapaan) maliban sa sementeryo (puntod) at palikuran

Ang lupa na lahat-lahat niya ay Masjid (Simbahan o lugar na pagpapatirapaan) maliban sa sementeryo (puntod) at palikuran

Mula kay Abu Sa'eed Al-khudriy -Kalugdan nawa siya ng Allah- Marfuw'an: ((Ang lupa na lahat-lahat niya ay Masjid (Simbahan o lugar na pagpapatirapaan) maliban sa sementeryo (puntod) at palikuran)).

[Tumpak.] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

Ang lupa lahat-lahat niya ay lugar para sa Salah; maliban sa lugar na nililibing ang mga patay, sakop niya ang lahat ng napapaligiran ng pader ng sementaryo, at ang lugar ng panliguan ng pagpapausok o mainit na tubig para pampagaling o pampagamot. At sabi ni An-nawawi -Kaawaan siya ni Allah-: "Ang Salah sa pinagkanlungan ng Shaytan ay Makrooh (kinasusuklaman) sa pinagkaisahan ng mga dalubhasa, at iyon ay tulad ng pinaglalagyan ng alak, bar (inuman), o paglalaruan ng baraha, o ano pa katulad nito mula sa mga masasamang gawain, at mga simbahan, o Hushush at iba pa", ang Hushush ay mga lugar na ginagawa ang mga pangangailangan (pag-ihi o pagdudumi) ng mga tao sa kanya.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa Pagkadiyos, Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh