إعدادات العرض
Ang pananalitang iyon na mula sa totoo ay inaagaw ng jinn saka ipinuputak-putak nito sa tainga ng katangkilik nito gaya ng pagputak-putak ng manok, saka naghahalo sila rito ng higit sa isandaang kasinungalingan."}
Ang pananalitang iyon na mula sa totoo ay inaagaw ng jinn saka ipinuputak-putak nito sa tainga ng katangkilik nito gaya ng pagputak-putak ng manok, saka naghahalo sila rito ng higit sa isandaang kasinungalingan."}
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May nagtanong na mga tao sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga manghuhula, kaya nagsabi sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Wala sila sa anuman." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ngunit tunay na sila ay nagsasalita paminsan-minsan hinggil sa bagay na nagiging totoo." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pananalitang iyon na mula sa totoo ay inaagaw ng jinn saka ipinuputak-putak nito sa tainga ng katangkilik nito gaya ng pagputak-putak ng manok, saka naghahalo sila rito ng higit sa isandaang kasinungalingan."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ ไทย 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە Hausa دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Soomaali Deutsch Moore Українська Български Wolofالشرح
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga nagpapabatid tungkol sa mga nakalingid sa hinaharap kaya nagsabi siya: "Huwag kayong mamansin sa kanila at huwag kayong kumuha sa pananalita nila. Hindi pumapatungkol sa inyo ang nauukol sa kanila." Kaya nagsabi sila: "Tunay na ang sabi nila ay sumasang-ayon sa reyalidad sa ilan sa mga pagkakataon, gaya ng kung sakaling nagpabatid sila tungkol sa pagkaganap ng isang pangyayaring pangnakalingid sa ganitong buwan sa ganitong araw, tunay na ito ay nagaganap alinsunod sa sabi nila." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga jinn ay nangangagaw ng naririnig nila mula sa pabatid ng langit, saka nagbababaan sila sa mga katangkilik nila mula sa mga manghuhula saka nagpapabatid sila sa mga ito ng narinig nila. Pagkatapos nagdaragdag ang manghuhula sa narinig niya na ito mula langit ng isandaang kasinungalingan.فوائد الحديث
Ang pagsaway laban sa paniniwala sa mga manghuhula at na ang sinasabi nila ay kasinungalingan at gawa-gawa, kahit pa man nagsabi ng totoo sa ilan sa mga pagkakataon.
Iningatan ang langit laban sa mga demonyo sa pamamagitan ng pagpapadala sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang hindi sila makarinig ng anuman sa pagsisiwalat o iba pa rito, maliban sa sinumang nagnakaw ng pakikinig at nakaligtas mula sa mga bulalakaw.
Ang mga jinn ay gumagawa para sa kanila ng mga katangkilik kabilang sa mga tao.