إعدادات العرض
Magsasabi si Allāh (napakataas Siya) sa pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon: "Kung sakaling mayroon kang nasa lupa na anuman, ikaw ba ay magtutubos sa pamamagitan nito?" Kaya magsasabi ito: "Opo
Magsasabi si Allāh (napakataas Siya) sa pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon: "Kung sakaling mayroon kang nasa lupa na anuman, ikaw ba ay magtutubos sa pamamagitan nito?" Kaya magsasabi ito: "Opo
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: Magsasabi si Allāh (napakataas Siya) sa pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon: "Kung sakaling mayroon kang nasa lupa na anuman, ikaw ba ay magtutubos sa pamamagitan nito?" Kaya magsasabi ito: "Opo." Kaya magsasabi Siya: "Nagnais Ako sa iyo ng higit na magaan kaysa rito samantalang ikaw ay nasa gulugod ni Adan: na hindi ka magtambal sa Akin, ngunit nagpumilit ka na magtambal ka sa Akin."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kurdî Português සිංහල অসমীয়া Kiswahili አማርኛ ગુજરાતી Nederlands پښتو नेपाली ไทย മലയാളം Кыргызча Română Malagasy Svenska తెలుగు Српскиالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay magsasabi sa pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa matapos ng pagpasok doon: "Kung sakaling nagkaroon ka sa Mundo at anumang nariyan, ikaw ba ay magtutubos sa pamamagitan nito mula sa pagdurusang ito?" Kaya magsasabi ito: "Opo." Kaya magsasabi si Allāh: "Humiling nga Ako sa iyo at nag-utos nga Ako sa iyo ng higit na madali kaysa roon nang tinanggap ang tipan sa iyo samantalang ikaw ay nasa gulugod ni Adan: na hindi ka magtambal sa Akin ng anuman, ngunit ipinagpilitan mo, noong nagpalabas ako sa iyo patungo sa Mundo, ang Shirk."فوائد الحديث
Ang kainaman ng Tawḥīd at ang kadalian ng paggawa ayon dito.
Ang panganib ng pagtatambal kay Allāh (napakataas Siya) at ang kahihinatnan nito.
Tumanggap si Allāh ng tipan sa mga anak ni Adan, habang sila ay nasa likod ng ama nilang si Adan, ng hindi pagtatambal.
Ang pagbibigay-babala laban sa Shirk at na ang Mundo sa kabuuan nito ay hindi makapagdudulot ng anuman sa tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon.