إعدادات العرض
Huwag niyong sabihin: Mā shā' -llāhu wa-shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano), subalit sabihin ninyo: Mā shā' -llāhu thumma shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)."}
Huwag niyong sabihin: Mā shā' -llāhu wa-shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano), subalit sabihin ninyo: Mā shā' -llāhu thumma shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)."}
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag niyong sabihin: Mā shā' -llāhu wa-shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano), subalit sabihin ninyo: Mā shā' -llāhu thumma shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Svenska Čeština ગુજરાતી Yorùbá Tiếng Việt پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Kinyarwanda తెలుగు Lietuvių Oromoo Română മലയാളം Nederlands Soomaali Српски Українська Deutsch ಕನ್ನಡ Wolof Moore Shqip ქართული Azərbaycan Magyar Македонски தமிழ் မြန်မာ አማርኛالشرح
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi ang Muslim sa pananalita niya ng: "Mā shā' -llāhu wa-shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano)"; o: "Mā shā' -llāhu wa-Fulān (Ang niloob ni Allāh AT ni Polano). Iyon ay dahil ang kalooban ni Allāh at ang pagnanais niya ay walang-takda at walang nakikilahok sa kanya rito na isa man. Sa paggamit ng AT sa pagdurugtong ay may pagpaparamdam ng pakikilahok ng isa kay Allāh at pagpapantay sa pagitan ng dalawa Subalit sabihin niya: "Mā shā' -llāhu thumma shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)." Ginawa niya ang kalooban ng tao na kasunod sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng pagsabi ng PAGKATAPOS sa halip ng AT dahil ang PAGKATAPOS ay nagpapahiwatig ng pagpapasunod at pagpapatlang.فوائد الحديث
Ang pagbabawal sa pagsasabi ng: "Mā shā' -llāhu wa-shi'ta (Ang niloob ni Allāh AT niloob mo) at anumang nakawangis nito na mga pananalitang may pag-uugnay kay Allāh sa pamamagitan ng AT dahil ito ay bahagi ng shirk sa mga pananalita at mga sinasabi.
Ang pagpayag sa pagsabi ng: "Mā shā' -llāhu thumma shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)" at anumang nakawangis niyon kabilang sa may pag-uugnay kay Allāh sa pamamagitan ng PAGKATAPOS dahil sa pagkakaila sa ipinagbabawal dito.
Ang pagpapatibay sa kalooban para kay Allāh at ang pagpapatibay sa kalooban para sa tao at na ang kalooban ng tao ay tagasunod sa kalooban ni Allāh (napakataas Siya).
Ang pagsaway laban sa pagtatambal ng tao kay Allāh sa kalooban ni Allāh kahit pa man sa pananalita.
Kung naniwala ang nagsasalita na ang kalooban ng tao ay gaya ng kalooban ni Allāh, na kapantay rito sa kasaklawan at kawalang-takda; o na ang tao ay may kaloobang nakapagsasarili, ito ay Malaking Shirk. Kung naniwala naman siya na ito ay mababa roon, iyon ay Maliit na Shirk.