إعدادات العرض
Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, ipinagbabawal lapastangin ang yaman niya at ang buhay niya at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh."}
Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, ipinagbabawal lapastangin ang yaman niya at ang buhay niya at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh."}
Ayon kay Ṭāriq bin Ashyam Al-Ashja`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, ipinagbabawal lapastangin ang yaman niya at ang buhay niya at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە සිංහල دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Wolof Soomaali Moore Українська Български Azərbaycan mr ქართული тоҷикӣ bm Македонскиالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi at sumasaksi sa pamamagitan ng dila niya na walang Diyos kundi si Allāh – na nangangahulugang walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh at nagpakawalang-kaugnayan sa lahat ng mga relihiyong iba pa sa Islām, ipinagbabawal ngang lapastangin ng mga Muslim ang yaman niya at ang buhay niya. Walang pagbabatayan para sa atin kundi ang panlabas sa gawain niya. Kaya hindi kakamkamin ang yaman niya at hindi padadanakin ang dugo niya, malibang kapag nakagawa siya ng isang krimen o isang paglabag na nag-oobliga niyon alinsunod sa mga patakaran ng Islām. Si Allāh ay magbabalikat ng pagtutuos sa kanya sa Araw ng Pagbangon. Kaya kung siya ay naging tapat, gagantimpalaan siya; at kung siya naman ay naging mapagpaimbabaw, pagdurusahin siya.فوائد الحديث
Ang pagbigkas ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang kawalang-pananampalataya sa bawat anumang sinasamba bukod pa kay Allāh ay isang kundisyon sa pagpasok sa Islām.
Ang kahulugan ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) ay ang kawalang-pananampalataya sa bawat anumang sinasamba bukod pa kay Allāh gaya ng mga anito, mga libingan, at iba pa sa mga ito; at ang pagbubukod-tangi sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) sa pagsamba.
Ang sinumang tumanggap sa Tawḥīd at sumunod sa mga batas nito nang lantaran, kinakailangan ang magpigil sa kanya hanggang sa luminaw mula sa kanya ang sumasalungat doon.
Ang pagkabawal ng paglapastangan sa yaman ng Muslim, buhay niya, at dangal niya malibang ayon sa katwiran.
Ang kahatulan sa Mundo ay batay sa nakahayag at sa Kabilang-buhay ay batay sa mga layunin at mga pakay.