إعدادات العرض
ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon ay mga nagtutulad sa nilikha ni Allāh
ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon ay mga nagtutulad sa nilikha ni Allāh
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong nagtabing ako ng isang estante ko na may isang kurtinang may mga imahen. Kaya noong nakita niya iyon, pinunit niya ito. Nag-ibang-kulay ang mukha niya at nagsabi siya: "O `Ā'ishah, ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon ay mga nagtutulad sa nilikha ni Allāh." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya pinutol namin ito at gumawa kami mula rito ng isang unan o dalawang unan."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල Svenska ગુજરાતી Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Čeština Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof ქართული Magyar Moore Українська Shqip Македонски Azərbaycan አማርኛ Malagasy Oromoo বাংলা ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ Türkçe O‘zbek Italiano ភាសាខ្មែរالشرح
Pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay niya sa kinaroroonan ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) saka natagpuan niya ito na nagtabing nga sa maliit na lagayan, na pinaglalagyan ng mga bagay-bagay, na may isang tela rito na may mga larawan ng mga may kaluluwa kaya nag-iba ang kulay ng mukha niya dala ng pagkagalit para kay Allāh. Inalis niya ito at sinabi: "Ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ang mga nakikiwangis sa pamamagitan ng mga paglalarawan nila sa nilikha nila." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya gumawa kami rito ng isang unan o dalawang unan."فوائد الحديث
Ang pagmamasama sa nakasasama sa oras ng pagkita rito at ang hindi pag-aantala roon hanggang doon ay walang kasiraang higit na malaki.
Ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay nagkakaibahan alinsunod sa bigat ng pagdurusa.
Ang pagsasalarawan ng mga may kaluluwa ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
Kabilang sa mga kasanhian ng pagbabawal sa pagsasalarawan ang pagtulad sa nilikha ni Allāh (napakataas Siya), nagpakay man ang tagapagsalarawan ng pagtulad o hindi nagpakay.
Ang sigasig ng Batas ng Islām sa pag-iingat sa mga ari-arian sa pamamagitan ng pakikinabang sa mga ito matapos ng pagpapaiwas sa mga ito sa ipinagbabawal sa mga ito.
Ang pagpigil sa pagyari ng mga larawan ng mga may kaluluwa sa anumang porma, kahit pa man ito ay isang hinahamak.