إعدادات العرض
Huwag kayong sumumpa sa mga nagpapakadiyos ni sa mga magulang ninyo."}
Huwag kayong sumumpa sa mga nagpapakadiyos ni sa mga magulang ninyo."}
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Samurah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong sumumpa sa mga nagpapakadiyos ni sa mga magulang ninyo."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Português සිංහල অসমীয়া Kiswahili አማርኛ ગુજરાતી Tiếng Việt Nederlands Hausa پښتو नेपाली ไทย മലയാളം Кыргызча Română Malagasyالشرح
Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa sa mga nagpapakadiyos. Ang mga ito ay ang mga anito, na ang mga tagapagtambal noon ay sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh. Ang mga ito ay kadahilanan ng pagmamalabis nila at kawalang-pananampalataya nila. Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa sa mga magulang yayamang naging bahagi ng gawi ng mga Arabe sa Panahon ng Kamangmangan na sumusumpa sa mga magulang nila bilang pagmamalaki at bilang pagdakila.فوائد الحديث
Ang pagsumpa ay hindi pinapayagan kundi kay Allāh, sa mga pangalan Niya, at sa mga katangian Niya.
Ang pagbabawal ng pagsumpa sa mga nagpapakadiyos, mga magulang, mga pinuno, mga anito, at mga nakawangis ng mga ito mula sa bawat kabulaanan.
Ang pagsumpa sa iba pa kay Allāh ay bahagi ng Shirk. Ito ay maaaring maging isang Malaking Shirk kapag umiral sa puso ng tao ang pagdakila sa sinusumpaan, na dumadakila siya rito kung paanong dumadakila siya kay Allāh o naniniwala siya rito ng anuman kabilang sa pagsamba.