إعدادات العرض
Ang sumpa ni Allāh ay sa mga Hudyo at mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan
Ang sumpa ni Allāh ay sa mga Hudyo at mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan
Ayon kina `Ā'ishah at `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsasabi: {Noong bumaba ang paghihingalo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsimula siyang nagtatakip ng isang tela niya sa mukha niya. Kapag naghabol siya ng hininga dahil dito, nag-aalis siya nito sa mukha niya; saka nagsabi siya habang siya ay ganoon: "Ang sumpa ni Allāh ay sa mga Hudyo at mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan." Nagbibigay-babala siya sa ginawa nila.}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी বাংলা Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ Русский Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە ไทย دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली Malagasy Italiano or ಕನ್ನಡ Oromoo Română Soomaali Српски Wolof Українська Mooreالشرح
Nagpapabatid sa atin sina `Ā'ishah at `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nang dumalo sa Propeta (malugod si Allāh sa kanya) ang pagpanaw, nagsimula siyang naglalagay ng isang piraso ng tela sa mukha niya. Kapag humirap sa kanya ang paghinga dahilan sa hapdi ng paghihingalo, nag-aalis siya nito sa mukha niya. Nagsabi siya sa gayong matinding kalagayan: "Sumpain ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano at itaboy Niya sila mula sa awa Niya." Iyon ay dahil sila ay nagpatayo ng mga sambahan sa ibabaw ng mga libingan ng mga propeta nila. Kung sakaling hindi dahil sa pagkapanganib ng usapin, hindi sana Siya bumanggit nito sa tulad ng katayuang ito. Dahil dito, sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya laban sa pakikiwangis sa gawaing iyon dahil iyon ay kabilang sa gawain ng mga Hudyo at mga Kristiyano at dahil iyon ay isang pagsasadahilang umaabot sa pagtatambal kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).فوائد الحديث
Ang pagpigil laban sa paggawa sa mga libingan ng mga propeta at mga maayos na tao bilang mga sambahang pinagdarasalan para kay Allāh dahil iyon ay isang kaparaanan tungo sa Shirk.
Ang katindihan ng pagpapahalaga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagmamalasakit niya sa Tawḥīd at ng pangamba niya sa pagdakila sa mga libingan dahil iyon ay humahantong sa Shirk.
Ang pagpayag sa pagsumpa sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at sinumang gumawa ng tulad ng gawain nila na pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan at paggawa sa mga ito bilang mga sambahan.
Ang pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan ay kabilang sa mga kalakaran ng mga Hudyo at mga Kristiyano. Nasaad sa ḥadīth ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa kanila.
Bahagi ng paggawa sa mga libingan bilang mga sambahan ang pagdarasal sa tabi ng mga ito at paharap sa mga ito, kahit pa man hindi pinatayuan ng isang sambahan.