إعدادات العرض
Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman
Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tinatawag na `Ufayr saka nagsabi siya: "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi ba ako magbabalita nito sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila para hindi sila sumalig."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Kurdî Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Moore Oromoo Wolof Soomaali Français Azərbaycan Українська Português bm தமிழ் ქართული Deutsch Македонски فارسی Magyar Русский 中文الشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng karapatan ni Allāh sa mga lingkod at karapatan ng mga lingkod kay Allāh, na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at na ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa mga Muwaḥḥid na hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman. Pagkatapos tunay na si Mu`ādh ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, hindi po ba ako magbabalita sa mga tao upang matuwa sila at magalak sila sa kabutihang-loob na ito?" Sumaway sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) dala ng takot na umasa sila roon.فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya), na nag-obliga Siya nito sa mga lingkod Niya. Ito ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman.
Ang paglilinaw sa karapatan ng mga lingkod kay Allāh (napakataas Siya) na nag-obliga Siya nito sa sarili Niya bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at bilang biyaya. Ito ay na magpasok Siya sa kanila sa Paraiso at hindi magparusa sa kanila.
Dito ay may isang dakilang nakagagalak na balita para sa mga Muwaḥḥid na hindi nagtatambal kay Allāh (napakataas Siya) ng anuman na ang kahahantungan nila ay ang pagpasok sa Paraiso.
Nagsanaysay si Mu`ādh ng ḥadīth na ito bago ng kamatayan niya dala ng pangamba sa pagkasadlak sa kasalanan ng pagtatago ng kaalaman.
Ang pagtawag-pansin sa hindi pagpapalaganap ng ilan sa mga ḥadīth sa ilan sa mga tao dala ng pangamba para sa sinumang hindi nakatalos sa kahulugan ng mga ito. Iyon ay kaugnay sa anumang sa ilalim nito ay walang gawain at dito ay walang takdang parusa kabilang sa mga takdang parusa sa Batas ng Islām.
Ang mga tagasuway na mga Muwaḥḥid ay nasa ilalim ng kalooban ni Allāh: kung loloobin Niya ay magpaparusa Siya sa kanila at kung loloobin Niya ay magpapatawad Siya sa kanila, pagkatapos ang kahahantungan nila ay ang Paraiso.