Kaya sa ano kami mangangako ng katapatan sa iyo?'" Nagsabi siya: "Sa [pangako] na sumamba kayo kay Allāh, hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman, [magpanatili kayo] sa limang pagdarasal, tumalima kayo," naglihim siya ng isang mahinang pangungusap, "at hindi kayo manghingi sa tao ng anuman

Kaya sa ano kami mangangako ng katapatan sa iyo?'" Nagsabi siya: "Sa [pangako] na sumamba kayo kay Allāh, hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman, [magpanatili kayo] sa limang pagdarasal, tumalima kayo," naglihim siya ng isang mahinang pangungusap, "at hindi kayo manghingi sa tao ng anuman

Ayon kay Abū Muslim Al-Khawlānīy na nagsabi: Nagsanaysay sa akin ang kaibig-ibig na mapagkakatiwalaan, yayamang siya ay kaibig-ibig sa akin at yayamang siya sa ganang akin ay mapagkakatiwalaan, si `Awf bin Mālik Al-Ashaja`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan sa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay siyam o walo o pito, saka nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh?" Kami noon ay mga bagong nangako ng katapatan kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi ito: "Kaya nag-abot kami ng mga kamay namin at nagsabi kami: 'Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh. Kaya sa ano kami mangangako ng katapatan sa iyo?'" Nagsabi siya: "Sa [pangako] na sumamba kayo kay Allāh, hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman, [magpanatili kayo] sa limang pagdarasal, tumalima kayo," naglihim siya ng isang mahinang pangungusap, "at hindi kayo manghingi sa tao ng anuman." Kaya talaga ngang nakakita ako sa isa sa mga taong iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi siya humihiling sa isa man na mag-aabot ito niyon sa kanya."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa isang bilang ng mga Kasamahan kaya humiling siya sa kanila nang tatlong ulit na magpahayag sila ng katapatan sa kanya at makipagkasunduan sila sa kanya sa pananatili sa mga sumusunod: A. Pagsamba kay Allāh: tanging sa Kanya, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman. B. Pagpapanatili ng limang pagdarasal na isinatungkulin sa araw at gabi. C. Ang pagdinig at ang pagtalima ayon sa nakabubuti sa sinumang nakatalaga sa pamamahala sa mga Muslim. D. Ang pag-aatang ng lahat ng mga pangangailangan nila kay Allāh at ang hindi paghingi sa mga tao ng anuman sa mga ito. Nagbaba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil dito ng tinig niya. Nagsagawa nga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ng ipinangako nilang katapatan sa kanya hanggang sa nagsabi ang tagapagsalaysay ng ḥadīth: "Kaya talaga ngang nakakita ako sa isa sa mga Kasamahang iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi siya humihiling sa isa man na mag-aabot ito niyon sa kanya; bagkus bumababa ito at kumukuha niyon sa pamamagitan ng sarili niya."

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagwaksi ng paghingi sa mga tao at ang pagpapakawalang-kinalaman sa lahat ng natatawag na panghihingi. Ang pagkakasya sa pag-iwas sa paghingi sa mga tao kahit pa man ng isang maliit na bagay.

Ang paghinging sinasaway ay ang paghinging nauugnay sa mga bagay-bagay na pangmundo kaya hindi ito pumapatungkol sa panghihingi ng kaalaman at mga nauukol sa Relihiyon.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa Pagkadiyos