"Ang pinakamalaki mula sa mga malalaking kasalanan ay: Ang Pagtatambal sa Allah,at [Ang pagdama ng] kaligtasan laban sa [binabalak na] kaparusahan ni Allah,at Ang kawalan ng Pag-asa mula sa Habag ni Allah,at Ang panghinaan ng loob mula sa Awa ni Allah"

"Ang pinakamalaki mula sa mga malalaking kasalanan ay: Ang Pagtatambal sa Allah,at [Ang pagdama ng] kaligtasan laban sa [binabalak na] kaparusahan ni Allah,at Ang kawalan ng Pag-asa mula sa Habag ni Allah,at Ang panghinaan ng loob mula sa Awa ni Allah"

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: "Ang pinakamalaki mula sa mga malalaking kasalanan ay: Ang Pagtatambal sa Allah,at [Ang pagdama ng] kaligtasan laban sa [binabalak na] kaparusahan ni Allah,at Ang kawalan ng Pag-asa mula sa Habag ni Allah,at Ang panghinaan ng loob mula sa Awa ni Allah"

[Ang kawing ng mananaysay nito ay tumpak] [Isinaysay ito ni `Abdurrazzāq]

الشرح

Nabanggit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Hadith na ito ang kasalanan na itinuturing na kabilang sa pinakamalaking kasalanan at ito ay; Ang bigyan si Allah Napakamaluwalhati Niya, ng katambal sa Pagka-panginoon Niya o sa Pagsasamba sa kanya,at sinimulan niya ito rito;sapagkat ito ang pinakamalaking kasalanan,at ang pagputol sa pananalangin at [kawalan ng] Pag-asa sa Allah,dahil ang mga ito ay masamang pag-aakala sa Allah at pagwawalang-bahala sa lawak ng habag Niya,at ang Kaligtasan mula sa pagpapain niya sa alipin sa mga biyaya hanggang sa kukunin [o gagamitin] niya ito sa pagpapabaya,at hindi ibig ipahiwatig sa Hadith na ito ang paglilimitado sa mga malalaking kasalanan ayon sa nabanggit lamang,dahil ang mga malalaking kasalanan ay napakarami,Ngunit ang ibig ipahiwatig ay Pagpapahayag sa Pinakamalaki nito.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa Pagkadiyos