Walang ipinagkaiba ang luklukan sa paghahambing sa trono kundi gaya ng isang singsing na yari sa bakal na itinapon sa gitna ng malawak na disyerto ng lupa.

Walang ipinagkaiba ang luklukan sa paghahambing sa trono kundi gaya ng isang singsing na yari sa bakal na itinapon sa gitna ng malawak na disyerto ng lupa.

Ayon kay Abū Dharr Al-Ghifārīy, malugod si Allah sa kanya: "Walang ipinagkaiba ang luklukan sa paghahambing sa trono kundi gaya ng isang singsing na yari sa bakal na itinapon sa gitna ng malawak na disyerto ng lupa."

[Tumpak] [Isinalaysay ni Ibnu Abī Shaybah sa Al-Arsh - Isinaysay ito ni Adh-Dhahabiy sa Al-Uluw]

الشرح

Ipinababatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth ayon kay Abū Dharr na ang luklukan (kursīy) sa kabila ng lawak nito at laki nito kung ihahambing sa trono (`arsh) ay gaya ng isang singsing na bakal na inilagay sa malapad na disyerto ng lupa. Ito ay nagpapatunay sa kadakilaan ng Tagapaglikha nito at lubos na kakayahan Niya.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa Pagkapanginoon