Ang Pananampalataya kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - الصفحة 2

Ang Pananampalataya kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - الصفحة 2

1- "Kapag inibig ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang tao, tinatawag Niya si Jibrīl [upang magsabi]: Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya ibigin mo ito. Kaya iibigin ito ni Jibrīl at mananawagan siya sa mga naninirahan sa langit: Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya ibigin ninyo ito. Kaya iibigin ito ng mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagtanggap sa lupa." Sa isang sanaysay ni Muslim: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, kapag umibig Siya sa isang tao, ay tinatawag Niya si Jibrīl at nagsasabi: Tunay na Ako ay umiibig kay Polano kaya ibigin mo ito. Kaya iibigin ito ni Jibrīl. Pagkatapos ay mananawagan siya sa langit at magsasabi: Tunay na si Allāh ay umiibig kay Polano kaya ibigin ninyo ito. Kaya iibigin ito ng mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagtanggap sa lupa. Kapag nasuklam Siya sa isang tao ay tinatawag Niya si Jibrīl at nagsasabi: Tunay na Ako ay nasusuklam kay Polano kaya kasuklaman mo ito. Kaya kasusuklaman ito ni Jibrīl. Pagkatapos ay mananawagan siya sa mga naninirahan sa langit: Tunay na si Allāh ay nasusuklam kay Polano kaya kasuklaman ninyo ito. Pagkatapos ay ilalagay rito ang pagkasuklam sa lupa."