Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang hindi siya nagtatambal Dito ng anuman ay walang makapipinsala sa kanya kasama sa kanya na isang kamalian. Ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal Dito ay walang makapagpapakinabang sa kanya kasama sa kanya na isang magandang gawa."}

Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang hindi siya nagtatambal Dito ng anuman ay walang makapipinsala sa kanya kasama sa kanya na isang kamalian. Ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal Dito ay walang makapagpapakinabang sa kanya kasama sa kanya na isang magandang gawa."}

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsasabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang hindi siya nagtatambal Dito ng anuman ay walang makapipinsala sa kanya kasama sa kanya na isang kamalian. Ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal Dito ay walang makapagpapakinabang sa kanya kasama sa kanya na isang magandang gawa."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang namatay at nakipagtagpo kay Allāh habang isang monoteistang hindi nagtatambal Dito ng anuman, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso at kahit pa man pinarusahan siya sa katawan niya sa Impiyerno. Ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal kay Allāh ng anuman, hindi magpapakinabang sa kanya kasama ng shirk ang isang magandang gawa. Ang Paraiso sa kanya ay bawal.

فوائد الحديث

Ang pagbibigay-babala laban sa Shirk, na ito ay pinakamabigat sa mga pagkakasala at mga kamalian, na si Allāh ay hindi magpapatawad sa kanya.

Ang kainaman ng Tawḥīd at na ito ay tagapag-obliga ng pagpasok sa Paraiso kahit pa man matapos na pagdusahin siya.

Ang kahalagahan ng pagpapakatatag hanggang sa mamatay sa Tawḥīd at ng hindi paggawa ng kontra rito na Shirk.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa Pagkadiyos, Ang mga Kainaman ng Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh)