Napahamak ang mga nagpapakasukdulan!

Napahamak ang mga nagpapakasukdulan!

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Napahamak ang mga nagpapakasukdulan!" Nagsabi siya nito nang tatlong ulit.}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kabiguan at kalugihan ng mga nagpapakatindi – sa iba pa sa patnubay at kaalaman – sa buhay panrelihiyon nila at buhay pangmundo nila at sa mga sinasabi nila at mga ginagawa nila, na mga lumalampas dahil sa mga ito sa legal na hangganan na inihatid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

فوائد الحديث

Ang pagbabawal sa pagpapakatindi at pagpapakahigpit sa mga bagay-bagay sa kabuuan ng mga ito at ang paghimok sa pag-iwas dito sa bawat bagay, lalo na sa mga pagsamba at pagdakila sa mga maayos na tao.

Ang paghahangad ng pinakalubos sa pagsamba at iba pa rito ay isang bagay na pinapupurihan at nangyayari sa pamamagitan ng pakikipagsunuran sa Batas ng Islām.

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbibigay-diin sa mahalagang bagay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-ulit-ulit ng pangungusap na ito nang tatlong ulit.

Ang Kaluwagan ng Islām at ang Kagaanan Nito

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa Pagkadiyos