Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang sasakay nga kayo sa kalakaran ng mga bago ninyo."}

Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang sasakay nga kayo sa kalakaran ng mga bago ninyo."}

Ayon kay Abū Wāqid Al-Laythīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong pumunta siya sa Ḥunayn, ay naparaan sa isang punong-kahoy ng mga tagapagtambal na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, nagsasabit sila rito ng mga sandata. Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, gumawa ka para sa amin ng isang Dhāt Anwāṭ kung paanong mayroon silang Dhāt Anwāṭ." Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaluwalhatian kay Allāh! Ito ay gaya ng sinabi ng mga tao ni Moises: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang sasakay nga kayo sa kalakaran ng mga bago ninyo."}

[Tumpak]

الشرح

Pumunta ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥunayn, na isang lambak sa pagitan ng Ṭā'if at Makkah. Kasama sa kanya ang ilan sa mga Kasamahan na pumasok sa Islām kamakailan. Naparaan sila sa isang punong-kahoy na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, na ang ibig sabihin ay may mga isinabit. Ang mga tagapagtambal noon ay dumadakila rito at nagsasabit dito ng mga sandata nila at iba pa dala ng paghiling ng pagpapala. Kaya naman humiling sila sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gumawa para sa kanila ng isang punong-kahoy tulad niyon, na sasabitan nila ng mga sandata nila para sa paghiling ng pagpapala dahil sa isang pagpapalagay mula sa kanila na ito ay isang bagay na pinayagan. Napabulalas ng pagluwalhati kay Allāh ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dala ng pagmamasama sa sinabing ito at dala ng pagdakila kay Allāh. Nagpabatid siya na ang sabing ito ay nakawawangis sa nasabi ng mga tao ni Moises: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Noong nakakita sila ng mga sumasamba sa mga anito, humiling sila na magkaroon sila ng mga anito kung paanong mayroong mga anito ang mga tagapagtambal. Ito ay isang pagsunod sa pamamaraan ng mga iyon. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Kalipunang ito ay susunod sa pamamaraan ng mga Hudyo at mga Kristiyano at gagawa ng gawain nila. Nagbigay-babala siya laban doon.

فوائد الحديث

Ang tao ay maaaring magmaganda ng isang bagay na ipinagpapalagay niya na nagpapalapit ito sa kanya kay Allāh (napakataas Siya) samantalang nagpapalayo ito sa kanya kay Allāh.

Nararapat sa Muslim na magluwalhati at magdakila kay Allāh kapag nakarinig siya ng hindi nararapat na sabihin hinggil sa Relihiyong Islām at sa sandali ng pagkagulat.

Kabilang sa shirk ang paghango ng pagpapala sa pamamagitan ng mga punong-kahoy, mga bata, at iba pa sa mga ito. Ang pagpapala ay nahihiling lamang mula kay Allāh – tanging sa Kanya.

Ang kadahilanan ng pagsamba sa mga anito ay ang pagdakila sa mga ito, ang pamimintuho sa tabi ng mga ito, at ang paghango ng pagpapala sa mga ito.

Ang pagkakinakailangan ng pagpinid sa mga pinto at mga daan na nagpapahantong sa Shirk.

Ang nasaad na mga teksto kaugnay sa pagpula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay isang pagbibigay-babala sa atin.

Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa mga kampon ng Kamangmangan, mga Hudyo, at mga Kristiyano, maliban sa napatunayan ng patunay na ito ay bahagi ng Relihiyon natin.

التصنيفات

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa Pagkadiyos