إعدادات العرض
Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin, gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria, sapagkat ako lamang ay alipin Niya. Kaya sabihin ninyo: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo Niya."}
Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin, gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria, sapagkat ako lamang ay alipin Niya. Kaya sabihin ninyo: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo Niya."}
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin, gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria, sapagkat ako lamang ay alipin Niya. Kaya sabihin ninyo: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo Niya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە Hausa ไทย دری Български Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda тоҷикӣ O‘zbek Akan नेपाली Moore Azərbaycan Wolof Oromoo Soomaali Українська bm km rn ქართული mkالشرح
Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapalabis at paglampas sa legal na hangganan sa pagbubunyi sa kanya at paglalarawan sa kanya ng mga paglalarawan kay Allāh (napakataas Siya) at mga gawain Niyang natatangi sa Kanya, o na siya raw ay nakaaalam sa nakalingid o dinadalanginan kasama kay Allāh gaya ng ginawa ng mga Kristiyano kay Jesus na anak ni Maria (sumakanya ang pangangalaga). Pagkatapos naglinaw siya na siya ay isang alipin kabilang sa mga alipin ni Allāh at nag-utos siya na magsabi tayo tungkol sa kanya: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo ni Allāh.فوائد الحديث
Ang pagbibigay-babala laban sa paglampas sa legal na hangganan sa pagdakila at pagbubunyi dahil iyon ay nauuwi sa Shirk.
Ang ibinigay-babala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naganap nga sa Kalipunang ito sapagkat may nagpakasidhing isang pangkatin sa pagpuri sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), isang pangkatin kaugnay sa Sambahayan ng Sugo, at isang pangkatin kaugnay sa mga walīy kaya nasadlak sila sa Shirk.
Naglarawan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sarili niya na siya ay isang alipin ni Allāh upang maglinaw siya na siya ay isang aliping namamanginoon kay Allāh, na hindi pinapayagan na magbaling sa kanya ng anuman sa mga kakanyahan ng Panginoon.
Naglarawan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sarili niya na siya ay Sugo ni Allāh upang maglinaw siya na siya ay isang sugong isinugo mula sa ganang kay Allāh, kaya kinakailangan ang maniwala sa kanya at ang makisunod sa kanya.