إعدادات العرض
Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang lalagyan niyon ay higit na marami kaysa sa bilang ng mga bituin ng langit at ng mga tala nito
Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang lalagyan niyon ay higit na marami kaysa sa bilang ng mga bituin ng langit at ng mga tala nito
Ayon kay Abū Dharr na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ang lalagyan ng Tubigan?" Nagsabi siya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang lalagyan niyon ay higit na marami kaysa sa bilang ng mga bituin ng langit at ng mga tala nito. Lumilitaw iyon sa gabing nagpapadilim na maaliwalas. Mga lalagyan ng Paraiso, ang sinumang nakainom mula roon ay hindi na mauuhaw hanggang sa kahuli-hulihan [ng uhaw] sa kanya. May umaagos doon na dalawang daluyan mula sa Paraiso. Ang sinumang nakainom mula roon ay hindi mauuhaw. Ang luwang niyon ay tulad ng haba niyon na [layong] nasa pagitan ng `Ammān hanggang sa Aylah. Ang tubig niyon ay higit na matindi sa kaputian kaysa sa gatas at higit na matamis kaysa sa pulut-pukyutan."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Moore Kurdî Oromoo Wolof Soomaali Français Azərbaycan Українська தமிழ் bm ქართული Deutsch Português mk Magyarالشرح
Sumumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga lalagyan ng Tubigan niya sa Araw ng Pagbangon ay higit na marami kaysa sa bilang ng mga bituin at mga tala ng langit. Iyon ay lumilitaw sa gabing nagpapadilim na walang buwan doon dahil ang gabing may buwan ay hindi nagiging maliwanag doon ang mga bituin dahil sa pagliliwanag dito ng tanglaw ng buwan, at walang ulap doon dahil ang pagkakaroon ng ulap ay pumipigil sa pagkakita ng mga bituin. Ang mga lalagyan ng Paraiso. Ang sinumang uminom sa inumin na naroon ay hindi mauuhaw magpakailanman. Iyon ay magiging kahuli-hulihan sa daranasing uhaw ng umiinom. Ang Tubigan niya ay inaagusan ng dalawang daluyan mula sa Paraiso at ang luwang nito ay tulad ng haba nito. Ang Tubigan ay magkakapantay ang mga gilid; ang haba nito ay katumbas ng sukat ng layo na nasa pagitan ng `Ammān, na isang bayan sa Balqā' ng Shām, hanggang sa Aylah, na isang kilalang lungsod sa gilid ng Shām. Ang tubig ng Tubigan ay higit na matindi sa kaputian kaysa sa gatas at ang lasa nito ay higit na matamis kaysa sa lasa ng pulut-pukyutan.فوائد الحديث
Ang pagpapatibay sa Tubigan at ang naroon na mga uri ng kaginhawahan.
Ang kadambuhalaan ng Tubigan, ang haba nito, ang luwang nito, at ang dami ng mga lalagyan nito.
التصنيفات
Ang Pananampalataya sa Huling Araw