إعدادات العرض
{Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang bagay saka nagsabi: "Iyan ay sa sandali ng mga panahon ng pag-alis ng kaalaman
{Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang bagay saka nagsabi: "Iyan ay sa sandali ng mga panahon ng pag-alis ng kaalaman
Ayon kay Ziyād bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang bagay saka nagsabi: "Iyan ay sa sandali ng mga panahon ng pag-alis ng kaalaman." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, at papaano po aalis ang kaalaman samantalang kami ay bumibigkas ng Qur'ān at nagpapabigkas nito sa mga anak namin at magpapabigkas nito ang mga anak namin sa mga anak nila hanggang sa Araw ng Pagbangon?" Nagsabi siya: "Mangulila nawa sa iyo ang ina mo, O Ziyād! Tunay na ako dati ay talagang nagtuturing sa iyo na kabilang sa pinakamapag-unawang lalaki sa Madīnah. Hindi ba ang mga Hudyo at ang mga Kristiyanong ito ay nagbabasa ng Torah at Ebanghelyo, na hindi naman sila gumagawa ayon sa anuman mula sa nasaad sa dalawang ito?"}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Moore Kurdî Wolof Soomaali Français Oromoo Azərbaycan Українська mr தமிழ் bm Deutsch ქართული Português mk Magyarالشرح
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo sa piling ng mga Kasamahan niya saka nagsabi siya: "Iyan ay ang oras na papawiin at aalisin diyan ang kaalaman mula sa mga tao." Kaya nagulat si Ziyād bin Labīd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) at nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Papaanong papawiin ang kaalaman at iwawala mula sa amin samantalang bumigkas nga kami ng Qur'ān at nagsaulo kami nito; saka sumpa man kay Allāh, talagang bumibigkas nga kami nito at talagang nagpapabigkas nga kami nito sa mga kababaihan namin, mga anak namin, at mga anak ng mga anak namin?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagugulat: "Manabik nawa sa iyo ang ina mo, O Ziyād! Tunay na ako dati ay talagang nagtuturing sa iyo na kabilang sa mga maalam ng mga mamamayan ng Madīnah." Pagkatapos naglinaw rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkawala ng kaalaman ay hindi sa pagkawala ng Qur'ān, subalit ang pagkawala ng kaalaman ay dahil sa pagkawala ng paggawa ayon dito. Itong Torah at Ebanghelyo sa piling ng mga Hudyo at mga Kristiyano, sa kabila niyon, ay hindi nagpakinabang sa kanila. Hindi sila nakahango ng katuturan mula sa pinapakay ng mga ito, ang paggawa ayon sa nalaman nila.فوائد الحديث
Ang pagkakaroon ng mga muṣḥaf at mga aklat sa mga kamay ng mga tao ay hindi nagpapakinabang kung walang paggawa ayon sa mga ito.
Ang pagpawi ng kaalaman ay dahil sa mga pangyayari, na kabilang sa mga ito: ang pagkamatay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang pagkamatay ng mga maalam, at ang pag-iwan ng paggawa ayon sa kaalaman.
Kabilang sa mga palatandaan ng Huling Sandali ang pag-alis ng kaalaman at ang pag-iwan ng paggawa ayon dito.
Ang paghimok sa paggawa ayon sa kaalaman sapagkat tunay na ito ay ang pinapakay.