إعدادات العرض
Ang Hadith ng pamamagitan
Ang Hadith ng pamamagitan
Ayon kay Hudhaifah Bin Al-yaman at Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu: ((Iipunin ni Allah-mapagpala Siya at pagkataas-taas-ang mga tao,tatayo ang mga tao hanggang sa lalapit sa kanila ang Paraiso,pupunta sila kay Propeta Adam-sumakanya ang pagpapala ni Allah,At sasabihin nila: O ama namin! Hilingin ninyo na mabuksan sa amin ang Paraiso,at sasabihin niya:At hindi ba`t walang nagpalabas sa inyo sa Paraiso maliban sa kamalian ng ama ninyo! Hindi ako ang nagmamay-ari [ng karapatan na] iyan,pumunta kayo sa anak kong si Propeta Ibrahim na kaibigan ni Allah,Nagsabi siya: At pupunta sila kay Propeta Ibrahim at sasabihin ni Propeta Ibrahim: Hindi ako ang nagmamay-ari [ng karapatan na] iyan ,ako ay isang kaibigan lamang sa likod at likod [pa],Sumadya kayo kay Propeta Musa,na siyang kinakausap ni Allah sa salita Niya,at pupunta sila kay Propeta Musa;at sasabihin niya: Hindi ako ang nagmamay-ari [ng karapatan na] iyan,Pumunta kayo kay Ppropeta `Isah,na siya salita ni Allah at kaluluwa niya [ay galing sa Knya],Sasabihin ni Isah: Hindi ako ang nagmamay-ari [ng karapatan na] iyan;At pupunta sila kay Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tatayo siya at pahihintulutan ito sa kanya,at ipapadala ang Tiwala at ang pag-uugnayan,tatayo silang dalawang magkabilaan sa gilid ng Assirat [tulay],sa kanan at kaliwa,at tatawid ang una sa inyo na parang kidlat)) Sinabi kong: Sumpa man sa aking ama at ina; Sa papaanong bagay na sila ay dadaan na parang kidlat? Nagsabi siya: (( Hindi ba ninyo nakikita kung paano dumaan at bumalik sa isang kisap mata lamang,Pagkatapos ay katulad ng hangin,pagkatapos ay katulad ng ibon,at ang pinakamalakas sa kalalakihan ay tumatakbo batay sa [bilis ng] kanilang [paggawa ng mabuting] gawain,At ang inyong Propeta ay nakatayo sa Assirat [tulay],at sinasabing: Panginoon! Ang Iyong pangangalaga,Ang Iyong pangangalaga! Hanggang sa mawalan ng kakayahan ang mga gawain ng lingkod,Hanggang sa dumating ang lalaking walang kakayahang lumakad maliban sa paggapang,at sa dalawang gilid ng Assirat [tulay] ay pantusok na nakasabit at napag-utusang kumuha sa sinumang tumawid rito,kaya`t [ang iba ay magiging ] gutay-gutay na ligtas at [ang iba ay] kakalagkarin sa Impiyerno)) Sumpa sa buhay ni Abe Hurayrah na nasa Kamay Niya,Tunay na ang ilalim ng Impiyerno ay [nasa tagal na] pitumpong taon
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português සිංහලالشرح
Iipunin ni Allah ang mga tao sa Araw ng Pagkabuhay para sa paghahatol at pagbabayad,Tatayo ang mga mananampalataya hanggang sa lalapit sa kanila ang Paraiso,at hindi ito mabubuksan sa kanila dahil sa tagal ng pagtayo sa Araw ng Pagkabuhay,Pupunta sila kay Propeta Adam-sumakanya ang pagpapala--makikiusap sila sa kanya na hilihingin niya sa Allah na buksan ang Paraiso para sa kanila,tatanggihan niya sila sapagkat hindi siya ang nararapat doon,ito ay dahil sa kasalanan niya na naging dahilan ng paglabas nilang lahat sa Paraiso,kaya ipapadala niya sila kay Propeta Ibrahim-sumakanya ang pagpapala- sapagkat siya ay kaibigan ni Allah,at ang kaibigan ay higit na mataas sa antas ng pagmamahal,kaya pupunta sila kay Propeta Ibrahim,at sasabihin niya sa kanila:wala sa akin aang ganoong kataas na antas,Pumunta kayo kay Propeta Musa-sapagkat tunay na si Allah-napakamaluwalhati Niya-ay kinausap siya ng walang pagitan,Pupunta sila kay Musa,at sasabihin niya sa kanila: Hindi ako karapat-dapat doon,pumunta kayo kay Propeta Isah,at sasabihin niya sa kanila:Hindi ako karapat-dapat doon,at pupunta sila sa Propeta nating si Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at makikiusap sila sa kanya na hilingin niya sa Allah na ihiwalay ang pagitan nila,at buksan sa kanila ang Paraiso,tutugunan niya sila,at hihiling siya [sa Allah] at papayagan ito sa kanya,At darating ang tiwala at pakikipag-ugnayan,tatayo sila sa magkabilaang gilid ng Assirat [tulay],ito ay tulay na pahaba sa itaas ng Impiyerno,at tatawid ang mga rito batay sa gawain nila,Ang sinuman ang sa [panahaon niya] sa mundo na siya ay mabilis sa paggawa ng kabutihan,siya ay magiging mabilis [sa pagtawid] sa tulay na ito,at gayundin ang kabaliktaran ,kabilang sa kanilang ang maliligtas,at ang iba ay mahuhulog sa Impiyerno,at ang ilalim ng Impiyerno ay hindi maaabot maliban sa pitumpong taon,dahil sa layo nito,Ang pagpapakupkop ay sa Allahالتصنيفات
Ang Buhay sa Kabilang-buhay