Magtitipon si Allāh sa mga taong una at huli sa iisang lupa, na magpaparinig sa kanila ang tagatawag at manunuot sa kanila ang paningin. Lalapit sa kanila ang araw saka aabot sa mga tao mula sa dalamhati at pighati ang hindi nila makakakaya at hindi nila mababata

Magtitipon si Allāh sa mga taong una at huli sa iisang lupa, na magpaparinig sa kanila ang tagatawag at manunuot sa kanila ang paningin. Lalapit sa kanila ang araw saka aabot sa mga tao mula sa dalamhati at pighati ang hindi nila makakakaya at hindi nila mababata

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dinalhan ng isang karne saka inihain sa kanya ang bisig. Nagpagalak ito sa kanya saka kumagat siya mula rito ng isang kagat saka nagsabi: "Ako ay ang pinuno ng mga tao sa Araw ng Pagbangon. Nakaaalam kaya kayo mula saan iyon? Magtitipon si Allāh sa mga taong una at huli sa iisang lupa, na magpaparinig sa kanila ang tagatawag at manunuot sa kanila ang paningin. Lalapit sa kanila ang araw saka aabot sa mga tao mula sa dalamhati at pighati ang hindi nila makakakaya at hindi nila mababata saka magsasabi ang mga tao: "Hindi ba kayo nakakikita ng umabot sa inyo? Hindi ba kayo titingin sa mamamagitan para sa inyo sa Panginoon ninyo?" Kaya magsasabi ang ilan sa mga tao: "Magsadya kayo kay Adan." Kaya pupunta sila kay Adan (sumakanya ang pangangalaga) saka magsasabi sa kanya: "Ikaw ang ama ng tao. Lumikha sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng kamay Niya, umiihip Siya sa iyo mula sa espiritu Niya, at nag-utos Siya sa mga anghel [na magpatirapa] saka nagpatirapa naman sila. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Hindi ka ba nakakikita sa umabot nga sa amin?" Kaya magsasabi si Adan: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na Siya ay sumaway sa akin laban sa punong-kahoy saka sumuway naman ako sa Kanya. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Noe." Kaya pupunta sila kay Noe saka magsasabi sila: "O Noe, tunay na ikaw ay kauna-unahan sa mga sugo sa mga naninirahan sa lupa. Tumawag nga sa iyo si Allāh bilang lingkod na mapagpasalamat. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na nagkaroon ako ng isang panalanging ipinalangin ko laban sa mga kababayan ko. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Abraham." Kaya pupunta sila kay Abraham saka magsasabi sila: "O Abraham, ikaw ay propeta ni Allāh at matalik na kaibigan Niya mula sa mga naninirahan sa lupa. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako noon nga ay nagsinungaling ng tatlong pagsisinungaling. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Moises." Kaya pupunta sila kay Moises saka magsasabi sila: "O Moises, ikaw ay sugo ni Allāh. Nagtangi sa iyo si Allāh sa mensahe Niya at salita Niya higit sa mga tao. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako noon nga ay pumatay ng isang taong hindi ako inutusan ng pagpatay niyon. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Jesus na Anak ni Maria." Kaya pupunta sila kay Jesus saka magsasabi sila: "O Jesus, ikaw ay sugo ni Allāh at salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Nakipag-usap ka sa mga tao habang nasa lampin na isang paslit. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi si Jesus: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito kailanman at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito." Hindi siya bumanggit ng isang pagkakasala. "Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Muḥammad." Kaya pupunta sila kay Muḥammad saka magsasabi sila: "O Muḥammad, ikaw ay Sugo ni Allāh at Pangwakas ng mga propeta. Nagpatawad nga si Allāh sa iyo ng nauna sa pagkakasala mo at nahuli. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya lilisan ako saka pupunta ako sa ilalim ng trono saka babagsak ako na nagpapatirapa sa harap ng Panginoon ko (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito kailanman at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Pagkatapos magbubukas si Allāh sa akin mula sa mga papuri sa Kanya at kagandahan ng pagbubunyi sa Kanya ng isang bagay, na hindi Siya nagbukas nito sa isa bago ko. Pagkatapos sasabihin: 'O Muḥammad, mag-angat ka ng ulo mo. Humiling ka, maibibigay sa iyo. Mamagitan ka, pamamagitanin ka.' Kaya mag-aangat ako ng ulo ko saka magsasabi ako: 'Ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko.' Kaya sasabihin: 'O Muḥammad, magpasok ka mula sa Kalipunan mo ng mga walang pagtutuos sa kanila mula sa kanang pintuan mula sa mga pintuan ng Paraiso at sila ay mga katambal ng mga tao sa iba roon na mga pintuan.'" Pagkatapos nagsabi siya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang magkabilang pansara kabilang sa mga pansara ng Paraiso ay gaya ng sa pagitan ng Makkah at Ḥimyar" – o – "gaya ng sa pagitan ng Makkah at Buṣrā."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kasama ng mga Kasamahan niya sa isang paanyaya sa pagkain. Naghain sa kanya ng bisig ng tupa, pinakanaiibigan sa karne nito sa kanya. Kumagat siya mula rito ng isang kagat sa mga gilid ng mga ngipin niya pagkatapos nagsalita siya sapagkat nagsabi siya: "Ako ay ang pinuno ng mga tao sa Araw ng Pagbangon." Iyon ay bilang pagsasalita hinggil sa biyaya ni Allah (t). Pagkatapos nagsabi siya: "Nakaaalam ba kayo mula saan iyon? Nagsabi siya: Dahil ang mga tao ay titipunin sa Araw ng Pagbangon sa isang lupaing malapad na patag na pinalawak sa isang pagpapalawak. Ang mga naroon ay pariringgan ng tagatawag at lilibutan ng tagatingin: walang makukubli sa kanya mula sa kanila na anuman. Dahil sa kapatagan ng lupa, walang maipantatakip ang isa sa mga tagatingin. Manunuot sa kanila ang paningin. Nangangahulugan ito na kung sakaling nagsalita ang tao, maririnig siya ng iba pa at ang paningin ay makakikita sa kanila. Lalapit ang araw mula sa mga nilikha sa layong isang milya at hahabol sa kanila mula sa dalamhati at pighati ang hindi nila makakakaya at hindi nila mababata kaya hihiling sila ng kaligtasan sa pamamagitan ng Pamamagitan." Magpapahiwatig si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga alagad ng pananampalataya na pumunta kay Adan, ang ama ng tao. Kaya pupunta sila sa kanya at babanggit sila ng kainaman niya nang harinawa siya ay mamagitan para sa kanila sa harap ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Magsasabi sila sa kanya: "Ikaw si Adan, ang ama ng tao. Lumikha sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng kamay Niya. Ipinatirapa Niya sa harap mo ang mga anghel niya. Nagturo Siya sa iyo ng mga pangalan ng bawat bagay. Umiihip Siya sa iyo mula sa espiritu Niya." Magdadahilan siya at magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito."Pagkatapos bumanggit siya ng kamalian niya. Ito ay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay sumaway sa akin laban sa punong-kahoy saka sumuway na kanya laban sa pagkain mula sa isang punong-kahoy ngunit kumain siya. Magsasabi siya: "Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Noe." Kaya pupunta sila kay Noe at magsasabi sila: "Ikaw ay kauna-unahang sugo na isinugo ni Allāh sa mga naninirahan sa lupa at na si Allāh ay tumawag sa iyo bilang lingkod na mapagpasalamat." Subalit siya ay magdadahilan na si Allāh ay nagalit ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na siya ay nagkaroon nga ng isang panalanging ipinalangin niya laban sa mga kababayan niya. Magsasabi siya: "Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Abraham." Kaya pupunta sila kay Abraham saka magsasabi sila: "Ikaw ay matalik na kaibigan ni Allāh sa mga naninirahan sa lupa. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami?" Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako noon nga ay nagsinungaling ng tatlong pagsisinungaling." Ito ay ang sabi niya: "Tunay na ako ay maysakit", ang sabi niya: "Gumawa nito ang malaki nilang ito", at ang sabi niya sa maybahay niyang si Sara: "Magpabatid ka sa kanya na ako ay kapatid mo" upang maligtas sa kasamaan niyon. Ang totoo ay na ang tatlong pangungusap ay kabilang lamang sa mga panukala ng pagsasalita subalit yayamang ang anyo ng mga ito ay anyo ng pagsisinungaling, nabagabag siya sa mga ito dala ng pagmamaliit sa sarili niya para sa Pamamagitan dahil ang sinumang naging higit na nakakikilala kay Allāh at higit na malapit sa katayuan, siya ay higit na malaki sa pangamba. Magsasabi siya: "Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Moises." Kaya pupunta sila kay Moises saka magsasabi sila: "O Moises, ikaw ay sugo ni Allāh. Nagtangi sa iyo si Allāh sa mensahe Niya at salita Niya higit sa mga tao. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako ay pumatay nga ng isang taong hindi ako inutusan ng pagpatay niyon. Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Jesus na Anak ni Maria." Kaya pupunta sila kay Jesus saka magsasabi sila: "O Jesus, ikaw ay sugo ni Allāh at salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Nakipag-usap ka sa mga tao habang nasa lampin na isang paslit. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito kailanman at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito." Hindi siya bumanggit ng isang pagkakasala. Ang sarili ko ay ang karapat-dapat na pamagitanan! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Muḥammad." Kaya pupunta sila kay Muḥammad saka magsasabi sila: "O Muḥammad, ikaw ay Sugo ni Allāh at Pangwakas ng mga propeta. Nagpatawad nga si Allāh sa iyo ng nauna sa pagkakasala mo at nahuli. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami?" [Magsasabi siya:] "Kaya lilisan ako saka pupunta ako sa ilalim ng trono saka babagsak ako na nagpapatirapa sa harap ng Panginoon ko (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos magbubukas si Allāh sa akin mula sa mga papuri sa Kanya at kagandahan ng pagbubunyi sa Kanya ng isang bagay, na hindi Siya nagbukas nito sa isa bago ko. Pagkatapos sasabihin: 'O Muḥammad, mag-angat ka ng ulo mo. Humiling ka, maibibigay sa iyo. Mamagitan ka, pamamagitanin ka.' Kaya mag-aangat ako ng ulo ko saka magsasabi ako: 'Ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko.'" Kaya tatanggapin ang Pamamagitan niya. Kaya sasabihin: "O Muḥammad, magpasok ka mula sa Kalipunan mo ng mga walang pagtutuos sa kanila mula sa kanang pintuan mula sa mga pintuan ng Paraiso at sila ay mga katambal ng mga tao sa iba roon na mga pintuan." Pagkatapos nagsabi siya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang magkabilang pansara kabilang sa mga pansara ng Paraiso ay gaya ng sa pagitan ng Makkah at Sanaa sa Yemen" – o – "gaya ng sa pagitan ng Makkah at Buṣrā sa Sirya, ang lungsod ng Ḥawrān.

فوائد الحديث

Ang pagpapakumbaba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagtugon niya sa paanyaya at pagkain kasama ng mga karaniwang tao ng mga Kasamahan.

Ang pagtatangi sa Propeta natin (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) higit sa lahat ng mga tao.

Nagsabi si Al-Qāḍī `Iyāḍ: Sinabi: Ang pinapanginoong humihigit sa mga kalipi niya at kinakanlungan sa mga kasawiang-palad. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinapangininoon nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagtangi lamang siya sa pagbanggit sa Araw ng Pagbangon dahil sa kaangatan ng pagkapinapanginoon doon at pagpapasakop sa kanya ng lahat sa kanila at dahil sa pagiging si Adan at ang lahat ng mga anak nito ay nasa ilalim ng watawat niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang kasanhian sa pagiging si Allāh ay nagpahiwatig sa kanila ng paghiling kay Adan at sa matapos sa kanya sa pagsisimula at hindi sila pinahiwatigan ng paghiling sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay para sa paglalantad sa kainaman niya sapagkat siya ang wakas sa kaangatan ng katayuan at kalubusan ng kalapitan [kay Allāh].

Isinasabatas para sa sinumang nagnais ng isang pangangailangan mula sa isang tao na mag-una sa harap niya ng paglalarawan sa hinihilingan sa pinakamaganda sa mga katangian nito upang ito ay maging higit na makatugon para sa pagsagot.

Pinapayagan para sa sinumang hinilingan ng isang bagay na hindi niya nakakaya na magdahilan ng anumang matatanggap mula sa kanya at isinakaibig-ibig na gabayan siya sa sinumang naipagpapalagay na ito ay higit na nakakakaya roon.

Ang paglilinaw sa hilakbot sa Tindigan at katindihan sa Kalapan sa mga tao sa Araw ng Pagbangon.

Ang pagpapakumbaba ng mga propeta yayamang nagsaalaala sila ng nagdaan sa kanila upang makaramdam na sila ay mababa sa katayuang ito.

Ang pagpapatibay sa pinakadakilang Pamamagitan sa Araw ng Pagbangon. Ito ay para sa pagpapasya sa mga nilikha.

Ang pagpapatibay sa Wasīlah (Kaparaanan) at Maqām Maḥmūd (Tayuang Pinapupurihan) para sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang mga kapurihan ni Allāh (t) ay hindi nagwawakas. Dahil doon, nagbubukas si Allāh sa Sugo Niya sa katayuang ito mula sa kagandahan ng pagbubunyi sa Kanya ng isang bagay na hindi Siya nagbukas nito sa isa bago ng Sugo.

Ang paglilinaw na ang Kalipunan ni Muḥammad ay ang pinakamabuti sa mga kalipunan sapagkat sila ay may mga kakanyahan sa pagpasok sa Paraiso yayamang papasok ang mga walang pagtutuos sa kanila mula sa isang pintuang natatangi sa kanila habang nakikilahok sila sa mga tao sa nalalabi sa mga pintuan.

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay