Talagang aabot nga ang kautusang ito sa inabot ng gabi at maghapon. Walang bahay sa bayan malibang magpapasok si Allāh ng Relihiyong ito,

Talagang aabot nga ang kautusang ito sa inabot ng gabi at maghapon. Walang bahay sa bayan malibang magpapasok si Allāh ng Relihiyong ito,

Ayon kay Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Talagang aabot nga ang kautusang ito sa inabot ng gabi at maghapon. Walang bahay sa bayan malibang magpapasok si Allāh ng Relihiyong ito, kalakip ng karangalan sa isang marangal at kalakip ng kahamakan sa isang hamak, isang karangalan na nagpaparangal si Allāh sa pamamagitan nito sa Islām at isang kahamakan na humahamak si Allāh sa pamamagitan nito sa Kawalang-pananampalataya." Si Tamīm Ad-Dārīy ay nagsasabi: "Nakaalam nga ako niyon sa sambahayan ko. Talaga ngang tumama sa sinumang umanib sa Islām mula sa kanila ang kabutihan, ang dignidad, at ang karangalan. Talaga ngang tumama sa sinumang mula sa kanila ay naging tagatangging sumampalataya ang kahamakan, ang panliliit, at ang jizyah."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Nagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyong ito ay lalaganap sa lahat ng mga bahagi ng Daigdig sapagkat ang alinmang lugar na inabot ng gabi at maghapon ay aabutin ng Relihiyong ito. Hindi mag-iiwan si Allāh (napakataas Siya) ng isang bahay sa mga lungsod at mga nayon ni sa mga ilang at disyerto malibang magpapasok Siya roon ng Relihiyong ito. Ang sinumang tumanggap sa Relihiyong ito at sumampalataya rito, tunay na siya ay magiging isang marangal sa pamamagitan ng karangalan ng Islām. Ang sinumang tumanggi rito at tumangging sumampalataya rito, tunay na siya ay maging isang hamak na inaaba. Pagkatapos nagpabatid si Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakaalam ng bagay na iyon na ipinabatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sambahayan niya, lalo na, sapagkat tunay na ang sinumang umanib sa Islām mula sa kanila ay pinagkamit ng kabutihan, dignidad, at karangalan; at ang sinumang tumangging sumampalataya mula sa kanila ay pinagkamit ng kahamakan at kaabahan sa kabila ng ibinabayad nito sa mga Muslim mula sa mga yaman.

فوائد الحديث

Nakalulugod na balita para sa mga Muslim na ang Relihiyon nila ay lalaganap sa lahat ng mga bahagi ng Daigdig.

Ang karangalan ay para sa Islām at mga Muslim at ang kahamakan ay para sa Kawalang-pananampalataya at mga tagatangging sumampalataya.

Dito ay may patunay kabilang sa mga katunayan ng pagkapropeta at may tanda kabilang sa mga tanda nito yayamang naganap ang ulat gaya ng ipinabatid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

التصنيفات

Ang mga Palatandaan ng Huling Sandali