Ang sinumang nagkaroon ng gawang kawalang-katarungan sa kapatid niya sa dangal nito o anuman, magtanggal siya nito sa ngayong araw bago hindi magkaroon ng isang dinar ni isang dirham

Ang sinumang nagkaroon ng gawang kawalang-katarungan sa kapatid niya sa dangal nito o anuman, magtanggal siya nito sa ngayong araw bago hindi magkaroon ng isang dinar ni isang dirham

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagkaroon ng gawang kawalang-katarungan sa kapatid niya sa dangal nito o anuman, magtanggal siya nito sa ngayong araw bago hindi magkaroon ng isang dinar ni isang dirham. Kung nagkaroon siya ng isang maayos na gawa, kukunin ito mula sa kanya ayon sa sukat ng gawang kawalang-katarungan niya. Kung hindi siya nagkaroon ng mga magandang gawa, kukuha mula sa mga masagwang gawa ng naapi niya saka ipapapasan ito sa kanya."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bawat sinumang may naganap mula sa kanya na isang kawalang-katarungan sa kapwa niyang Muslim sa dangal o ari-arian o buhay. na humiling siya sa sinumang nilabag niya sa katarungan na magpaumanhin ito sa kanya hanggat nasa Mundo pa bago dumating ang Araw ng Pagbangon kung kailan hindi magpapakinabang ang isang salaping ginto ni ang isang perang pilak, na maibabayad niya sa sinumang nilabag niya sa katarungan upang maipantubos niya sa sarili niya yayamang ang ganting-pinsala sa araw na iyon ay sa pamamagitan ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa yayamang kukuha ang nilabag sa katarungan mula sa mga magandang gawa ng tagalabag ng katarungan ayon sa sukat ng gawang kawalang-katarungan niya na ginawa niya. Kung hindi nagkaroon ang tagalabag ng katarungan ng mga magandang gawa, maglalagay mula sa mga masagwang gawa ng nilabag sa katarungan sa tagalabag ng katarungan ayon sa sukat ng gawang kawalang-katarungan niya.

فوائد الحديث

Ang pagsisigasig sa paglayo sa kawalang-katarungan at paglabag.

Ang paghimok sa pagdadali-dali sa pagpapakalaya sa pananagutan kabilang sa nasangkot dito na mga karapatan.

Ang mga maayos na gawa ay nasisira at naaalisan ng bunga ng mga ito ng kawalang-katarungan sa mga tao at pamemerhuwisyo sa kanila.

Ang mga karapatan ng mga tao ay hindi magpapatawad sa mga ito si Allāh malibang sa pamamagitan ng pagsasauli ng mga ito sa mga kinauukulan ng mga ito.

Ang salaping ginto at ang perang pilak ay isang kaparaanan sa pagtamo ng mga kapakinabangan sa Mundo samantalang sa Araw ng Pagbangon naman ay mga magandang gawa at mga masagwang gawa.

Nagsabi ang ilan sa mga maalam kaugnay sa usapin ng dangal: Kung ang nilabag sa katarungan ay hindi nakaalam, walang kailangan na ipaalam sa kanya, tulad ng kung nakaalipusta nga siya rito sa isang pagtitipon kabilang sa mga pagtitipon at nagsisi naman siya. Tunay na siya ay walang pangangailan na magpaalam dito subalit hihingi siya ng tawad [kay Allāh] para rito, mananalangin siya para rito, at magbubunyi siya rito ng kabutihan sa mga pagtitipon na pinag-aalipustaan niya dati. Sa pamamagitan niyon makakakalas siya mula roon.

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay