إعدادات العرض
Iiwanan nila ang Madinah sa napaka-inam [na mga bagay na] taglay nito, Walang lumulukob dito maliban sa mga naghahanap ng kabuhayan-kabuhayan mula sa hayop at mga ibon
Iiwanan nila ang Madinah sa napaka-inam [na mga bagay na] taglay nito, Walang lumulukob dito maliban sa mga naghahanap ng kabuhayan-kabuhayan mula sa hayop at mga ibon
Ayon kay Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-Iiwanan nila ang Madinah sa napaka-inam [na mga bagay na] taglay nito, Walang lumulukob dito maliban sa mga naghahanap ng kabuhayan-kabuhayan mula sa hayop at mga ibon-at ang pinakahuling titipunin ay ang dalawang pastol mula sa Muzaynah na pupunta sa Madinah,sumisigaw sila sa mga tupa nila,matatagpuan nila itong dalawa na mabangis,hanggang sa kapag umabot sila sa Thaniyyatal Wada`,babagsak ang mukha nilang dalawa.
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdîالشرح
Ipinapaalam sa atin ng Banal na Propeta sa Hadith na ito,Na ang Madinah ng Propeta dinadagdagan ni Allah ng Karangalan at Kadakilaan,Lumalabas mula rito ang mga naninirahan dito at walang matitira dito maliban sa mga hayop at mga ibon,walang [matatagpuan dito] kahit na isa, At ito ay ganap na mangyayari sa huling panahon,At tunay na darating ang nagpapastol ng tupa mula sa Mazinah patungo sa Madinah,sumisigaw silang dalawa sa mga tupa nila,At matatagpuan nila itong dalawa na may pagkabangis dahil sa kawalan nila ng laman,At silang dalawa ang pinakahuling titipunin,at kapag umabot sila sa Thaniyyatal Wada`,babagsak silang dalawa at mamamatay.