Kakalapin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon habang mga nakayapak, mga nakahubo, mga supot

Kakalapin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon habang mga nakayapak, mga nakahubo, mga supot

Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kakalapin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon habang mga nakayapak, mga nakahubo, mga supot." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ang mga babae at ang mga lalaki ay magkakasamang nakatingin ang isa't isa sa kanila?" Nagsabi siya: "O `Ā'ishah, ang pangyayari ay higit na matindi kaysa sa makatingin ang isa't isa sa kanila."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglarawan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mangyayari sa Araw ng Pagbangon, na ang mga tao ay titipunin matapos ng pagbuhay sa kanila mula sa mga libingan nila para sa pagtutuos. Ang kalagayan nila ay na sila ay mga nakayapak ang mga paa na walang mga sapin, mga nakahubo ang mga katawan na walang mga damit ni takip, mga supot na hindi mga tinuli gaya ng araw na ipinanganak sila ng mga ina nila. Noong narinig iyon ng Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya), nagtatakang nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, ang mga babae at ang mga lalaki ay magkakasamang nakatingin ang isa't isa sa kanila?" Kaya naglinaw sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pumapatungkol sa Tigilan§ at Pagkalap matapos ng pagbuhay mula sa kamatayan ay mayroong mga hilakbot na nakakukuha ng pansin ng mga tao at mga paningin nila palayo sa pagtingin sa mga kahubaran.

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon at na ang tao sa araw na iyon na walang mag-aabala sa kanya na anuman palayo sa pagtutuos sa kanya at mga gawa niya.

Ang pagbibigay-diin na ang tao ay hindi nasasadlak sa pagsuway maliban sa kalagayan ng pagkalingat yayamang kapag sakaling nakapagsaalaala siya ng kabigatan ng sinuway niya o parusa sa kanya dahil sa nakalingat siya sa pag-alaala niya, pagpapasalamat niya, at kagandahan ng pagsamba niya sa isang kisap ng mata. Dahil doon, makakikita ka sa mga nakatigil sa Kalapan na mga nagpakaabala sa mga sarili nila, na hindi tumitingin ang isa't isa sa kanila.

Ang tindi ng buhay ng mga babae sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat itong si `Ā'ishah na (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-uusisa nang may pagkahiya nang nakaririnig siya na ang nilikha ay kakalapin na mga nakahubong lalaki at babae.

Nagsabi si As-Sindīy: Ang bawat isa ay magpapakaabala sa nauukol sa kanya at hindi siya nakaaalam sa kalagayan ng kapatid niya. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 80:3): {Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.} Kaya walang isang lilingon sa kahubaran ng iba.

Ang pagtutuli para sa lalaki ay ang pagputol ng balat (foreskin) na bumabalot sa ulo ng ari at para sa babae ay ang pagputol ng clitoris na lumalampas sa ibabaw ng pinapasukan ng ari ng lalaki, na nakawawangis ng palong ng tandang.

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay