Tunay na ako ay nasa tabi ng Tubigan nang sa gayon makatingin ako sa sinumang pumupunta sa akin kabilang sa inyo. May kukunin na mga tao sa tabi ko kaya magsasabi ako: 'O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan.'

Tunay na ako ay nasa tabi ng Tubigan nang sa gayon makatingin ako sa sinumang pumupunta sa akin kabilang sa inyo. May kukunin na mga tao sa tabi ko kaya magsasabi ako: 'O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan.'

Ayon kay Asmā' bint Abī Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay nasa tabi ng Tubigan nang sa gayon makatingin ako sa sinumang pumupunta sa akin kabilang sa inyo. May kukunin na mga tao sa tabi ko kaya magsasabi ako: 'O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan.' Kaya sasabihin: 'Nakaramdam ka kaya sa ginawa nila matapos mo? Sumpa man kay Allāh, hindi sila huminto na bumabalik sa mga pinagdaanan nila.'"}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya sa Araw ng Pagbangon ay magiging nasa tabi ng Tubigan niya upang tumingin sa sinumang pupunta kabilang sa Kalipunan niya sa Tubigan. May kukunin na mga taong nasa kalapitan mula sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) kaya magsasabi siya: "O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan." Kaya sasabihin: "Nakaalam ka kaya sa ginawa nila matapos ng pakikipaghiwalay nila sa iyo? Sumpa man kay Allāh, hindi sila tumigil na bumabalik sa mga tinalikuran nila at tumatalikod sila sa relihiyon nila kaya hindi sila kabilang sa iyo at hindi kabilang sa Kalipunan mo."

فوائد الحديث

Ang awa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at ang pagsisigasig niya para sa kanila.

Ang pagkapanganib ng pakikipagsalungatan sa kung nasa ano noon ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang paghimok sa pangungunyapit sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

التصنيفات

Ang Pananampalataya sa Huling Araw, Ang Buhay sa Kabilang-buhay, Ang mga Sangay ng Pananampalataya