{Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.},

{Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.},

Ayon kay Az-Zubayr bin Al-`Awwām na nagsabi: {Noong bumaba ang (Qur'ān 102:8): {Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.}, nagsabi si Az-Zubayr: "O Sugo ni Allāh, alin pong kaginhawahan ang tatanungin kami tungkol doon? Ang dalawang ito ay ang dalawang itim lamang: ang datiles at ang tubig." Nagsabi siya: "Ngunit tunay na ito ay mangyayari."}

[Maganda]

الشرح

Noong bumaba ang talatang (Qur'ān 102:8): {Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.} Ibig sabihin: Tatanungin kayo tungkol sa pagsasagawa ng pagpapasalamat sa ibiniyaya ni Allāh sa inyo na mga biyaya. Nagsabi si Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanya): "O Sugo ni Allāh, alin pong kaginhawahan ang tatanungin kami tungkol doon? May dalawang biyaya lamang na hindi kabilang sa nagpapanawagan ng paghingi: ang datiles at ang tubig." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ngunit tunay na kayo ay tatanungin tungkol sa kaginhawahan sa kabila ng kalagayang ito na kayo ay nariyan sapagkat tunay na ang dalawang ito ay dalawang dakilang biyaya mula sa mga biyaya ni Allāh (napakataas Siya)."

فوائد الحديث

Ang pagbibigay-diin sa pagpapasalamat kay Allāh (napakataas Siya) sa mga biyaya.

Ang kaginhawahan ay kabilang sa tatanungin tungkol dito ang tao sa Araw ng Pagbangon, naging kaunti man ito o marami.

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay, Ang Pagwawalang-bahala at ang Pag-iwas sa Kamunduhan, Ang mga Kalagayan ng mga Taong Maayos