Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa edad niya kung sa ano niya inubos ito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano niya ginawa ito, tungkol sa yaman niya kung mula saan niya kinita ito at kung sa ano niya ginugol ito, at tungkol sa…

Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa edad niya kung sa ano niya inubos ito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano niya ginawa ito, tungkol sa yaman niya kung mula saan niya kinita ito at kung sa ano niya ginugol ito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano niya nilaspag ito?"}

Ayon kay Abū Barzah Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa edad niya kung sa ano niya inubos ito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano niya ginawa ito, tungkol sa yaman niya kung mula saan niya kinita ito at kung sa ano niya ginugol ito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano niya nilaspag ito?"}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang lalampas na isa man sa mga tao sa tayuan ng pagtutuos sa Araw ng Pagbangon tungo sa paraiso o impiyerno hanggang sa matanong siya tungkol sa mga sumusunod: A. Buhay niya sa kung ano niya inubos ito at ginugol ito. B. Kaalaman niya kung hinanap ba niya ito alang-alang kay Allāh, kung gumawa ba siya ayon dito, at kung nagpaabot ba siya nito sa karapat-dapat dito. C. Yaman niya kung mula saan niya kinita ito: kung sa ipinahihintulot ba o ipinagbawal; at kung sa ano niya ginugol ito: kung sa nagpapalugod ba kay Allāh o nagpapainis sa Kanya. D. Katawan niya, lakas niya, kagalingan niya, kabataan niya kung saan niya nilaspag ito at ginamit ito.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagsamantala sa buhay sa ikinalulugod ni Allāh (napakataas Siya).

Ang mga biyaya ni Allāh sa mga lingkod ay marami at magtatanong Siya sa tao tungkol sa kaginhawahang siya noon ay naroon, kaya naman kailangan sa kanya na maglagay sa mga biyaya ni Allāh sa nagpapalugod sa Kanya.

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay