Ang Tubigan ko ay layo ng isang buwang paglalakbay. Ang tubig nito ay higit na puti kaysa sa gatas. Ang amoy nito ay higit na kaaya-aya kaysa sa musk

Ang Tubigan ko ay layo ng isang buwang paglalakbay. Ang tubig nito ay higit na puti kaysa sa gatas. Ang amoy nito ay higit na kaaya-aya kaysa sa musk

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Tubigan ko ay layo ng isang buwang paglalakbay. Ang tubig nito ay higit na puti kaysa sa gatas. Ang amoy nito ay higit na kaaya-aya kaysa sa musk. Ang mga panalok nito ay gaya ng mga bituin ng langit. Ang sinumang uminom mula rito ay hindi mauuhaw magpakailanman."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mayroon siyang isang tubigan sa Araw ng Pagbangon, na ang haba nito ay layo ng isang buwang paglalakbay at ang luwang nito ay gayon din; na ang tubig nito ay higit na matindi sa kaputian kaysa sa gatas; na ang amoy nito ay busilak na higit na kaaya-aya kaysa sa halimuyak ng musk, Ang mga pitsel nito ay tulad ng mga bituin ng langit sa dami ng mga ito. Ang sinumang uminom sa Tubigan sa pamamagitan ng mga pitsel na iyon ay hindi mauuhaw magpakailanman.

فوائد الحديث

Ang Tubigan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tipunan ng isang dakilang tubig na pupuntahan ng mga mananampalataya kabilang sa Kalipunan niya sa Araw ng Pagbangon.

Ang pagtamo ng kaginhawahan ng sinumang iinom mula sa Tubigan sapagkat hindi siya mauuhaw magpakailanman.

التصنيفات

Ang Pananampalataya sa Huling Araw