إعدادات العرض
Sapagkat tunay na Ako ay nagtakip na niyon sa iyo sa Mundo at Ako ay nagpapatawad niyon sa iyo sa araw na ito
Sapagkat tunay na Ako ay nagtakip na niyon sa iyo sa Mundo at Ako ay nagpapatawad niyon sa iyo sa araw na ito
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ilalapit ang Mananampalataya sa Araw ng Pagkabuhay sa Panginoon nito hanggang sa ilagay Niya ang awa niya rito. Paaaminin Niya ito sa mga pagkakasala nito at sasabihin: 'Inaako mo ba ang pagkakasalang ganito? Inaako mo ba ang pagkakasalang ganito?' Magsasabi ito: 'Panginoon ko, inaako ko.' Magsasabi Siya: 'Sapagkat tunay na Ako ay nagtakip na niyon sa iyo sa Mundo at Ako ay nagpapatawad niyon sa iyo sa araw na ito.' Ibibigay rito ang talaan ng mga magandang gawa nito."
[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]
الترجمة
عربي বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français Tiếng Việt Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Русскийالشرح
Tunay na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay darating sa Araw ng Pagkabuhay. Makikipagsarilinan Siya sa lingkod Niyang Mananampalataya at tatakpan Niya ito sa mga tao sa tayuan. Paaaminin Niya ito nang palihim sa mga pagkakasala nito at mga pagsuway nito. Inaako mo ba ang pagkakasalang ganito? Aaminin nito iyon. Magsasabi si Allah: Sapagkat tunay na ako ay nagtakip sa mga ito sa iyo sa Mundo at hindi Kita ibinuko sa mga ito sa harap ng mga nilikha. Ako rin ay magtatakip ng mga ito para sa kanila sa Araw na ito at magpapatawad sa mga ito sa iyo.التصنيفات
Ang Pananampalataya sa Huling Araw