Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Paraiso? Ang bawat mahinang nagpapakaaba, kung sakaling sumumpa ito kay Allāh, talagang magpapaunlak Siya rito. Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Impiyerno? Ang bawat mapang-alitan, na pagkahambug-hambog,…

Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Paraiso? Ang bawat mahinang nagpapakaaba, kung sakaling sumumpa ito kay Allāh, talagang magpapaunlak Siya rito. Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Impiyerno? Ang bawat mapang-alitan, na pagkahambug-hambog, na mapagmalaki."}

Ayon kay Ḥārithah bin Wahb Al-Khuzā`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Paraiso? Ang bawat mahinang nagpapakaaba, kung sakaling sumumpa ito kay Allāh, talagang magpapaunlak Siya rito. Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa mga maninirahan sa Impiyerno? Ang bawat mapang-alitan, na pagkahambug-hambog, na mapagmalaki."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa ilan sa mga katangian ng mga maninirahan sa Paraiso at mga maninirahan sa Impiyerno. Ang karamihan sa mga maninirahan sa Paraiso ay "ang bawat mahinang nagpapakahamak" – ibig sabihin: nagpapakumbaba na nagpapasailalim kay Allāh (napakataas Siya) – na nag-aaba ng sarili niya para kay Allāh hanggang sa tunay na ang ilan sa mga tao ay nagmamahina sa kanya at nagmamaliit sa kanya. Ang nagpapakaabang ito kay Allāh (napakataas Siya), kung sakaling sumumpa ito kay Allāh ng isang pagsumpa dala ng paghahangad sa kagalantehan ni Allāh (napakataas Siya), talagang magpapaunlak dito si Allāh, magsasakatotohanan Siya para rito ng sinumpaan nito, at tutugon Siya sa hiling nito at panalangin nito. Ang karamihan sa mga maninirahan sa Impiyerno ay ang bawat "mapang-alitan" – ang mabagsik na magaspang, na matindi ang pakikipag-alitan o ang mahalay na hindi naaakay sa isang kabutihan – na "pagkahambug-hambog" – ang nagpapakamalaking palakain na may dambuhalang katawan, na mayabang sa paglalakad niya, na masagwa ang kaasalan – na "mapagmalaki" dahil sa pagtanggi niya sa katotohanan at pagmamaliit niya sa iba pa sa kanya.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagtataglay ng mga katangian ng mga maninirahan sa Paraiso at ang pagbibigay-babala laban sa mga katangian ng mga maninirahan sa Impiyerno.

Ang pagpapakumbaba ay para kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), at para sa ipinag-uutos Niya at sinasaway Niya at pagpapaakay sa dalawang ito; at ukol sa mga nilikha nang walang pagpapakamalaki sa kanila.

Nagsabi si Ḥajar: Ang tinutukoy ay na ang karamihan sa mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga ito, kung paanong ang mayoriya ng mga maninirahan sa Impiyerno ay ang iba pang uri. Ang tinutukoy ay hindi ang pagkasaklaw sa dalawang panig.

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay