Ang Muslim, kapag tinanong siya sa libingan, ay sasaksi na walang Diyos kundi si Allah at na si Muḥammad ay Sugo ni Allah sapagkat iyon ay sabi Niya, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 14:27): Patatatagin ni Allah ang mga sumampalataya sa pamamagitan ng matatag na salita sa buhay sa Mundo at sa…

Ang Muslim, kapag tinanong siya sa libingan, ay sasaksi na walang Diyos kundi si Allah at na si Muḥammad ay Sugo ni Allah sapagkat iyon ay sabi Niya, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 14:27): Patatatagin ni Allah ang mga sumampalataya sa pamamagitan ng matatag na salita sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay.

Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanya: "Ang Muslim, kapag tinanong siya sa libingan, ay sasaksi na walang Diyos kundi si Allah at na si Muḥammad ay Sugo ni Allah sapagkat iyon ay sabi Niya, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 14:27): Patatatagin ni Allah ang mga sumampalataya sa pamamagitan ng matatag na salita sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Tatanungin ang Mananampalataya sa libingan. Tatanungin siya ng dalawang anghel na itinalaga dahil doon. Silang dalawa ay sina Munkar at Nakīr gaya ng pagkakasaad ng pagpapangalan sa kanilang dalawa sa Sunan At-Tirmidhīy. Sasaksi siya na walang Diyos kundi si Allah at na si Muḥammad ay Sugo ni Allah. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Ito ay ang sasabihing matatag, na nagsabi si Allah kaugnay rito (Qur'ān 14:27): "Patatatagin ni Allah ang mga sumampalataya sa pamamagitan ng matatag na salita sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay."

التصنيفات

Ang Buhay Pang-Barzakh