Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa ilantad ng Yuprates ang isang bundok ng ginto na pag-aawayan. Mamamatay sa bawat isandaan ang siyam na pu't siyam

Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa ilantad ng Yuprates ang isang bundok ng ginto na pag-aawayan. Mamamatay sa bawat isandaan ang siyam na pu't siyam

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Alalh sa kanya: "Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa ilantad ng Yuprates ang isang bundok ng ginto na pag-aawayan. Mamamatay sa bawat isandaan ang siyam na pu't siyam. Sasabihin ng bawat lalaki sa kanila: Harinawang ako ay maliligtas." Sa isang sanaysay: "Napipintong ilalantad ng Yuprates ang isang tagong kayamanan na ginto. Ang sinumang pumunta roon ay hindi makakukuha mula roon ng anuman."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinababatid sa atin ng Propeta natin, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na sa paglapit ng pagsapit ng Huling Sandali, ilalantad ng Ilog Yuprates ang isang kayamanang ginto o isang bundok ng ginto. Nangangahulugan ito na ang ginto ay lalabas na isang bundok. Ang mga tao ay mag-aaway-away dahil doon dahil sa iyon ay bahagi ng mga tukso. Pagkatapos ay pinagbawalan tayo ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kumuha mula roon para sa sinumang makaaabot niyon dahil walang isang makaliligtas doon. Marahil bibigayang-pakahulugan ng ilan sa mga pupunta doon ang ḥadīth na ito at ililihis ito sa tunay na kahulugan nito upang magbigay-katwiran para sa sarili niya ang pagkuha mula roon. Nagpapakupkop tayo kay Allah laban sa mga tukso.

التصنيفات

Ang Pananampalataya sa Huling Araw, Ang mga Palatandaan ng Huling Sandali