Ilalagay ang landasin sa pagitan ng dalawang pampang ng Impiyerno, na mayroong mga tinik gaya ng tinik ng [halamang] Sa`dān. Pagkatapos ay patatawirin ang mga tao, kaya may maliligtas, masasagip, matatalupan pagkatapos ay maliligtas, mapipigilan at saka matitiwarik doon.

Ilalagay ang landasin sa pagitan ng dalawang pampang ng Impiyerno, na mayroong mga tinik gaya ng tinik ng [halamang] Sa`dān. Pagkatapos ay patatawirin ang mga tao, kaya may maliligtas, masasagip, matatalupan pagkatapos ay maliligtas, mapipigilan at saka matitiwarik doon.

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Ilalagay ang landasin sa pagitan ng dalawang pampang ng Impiyerno, na mayroong mga tinik gaya ng tinik ng [halamang] Sa`dān. Pagkatapos ay patatawirin ang mga tao, kaya may maliligtas, masasagip, matatalupan pagkatapos ay maliligtas, mapipigilan at saka matitiwarik doon. Kapag natapos si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa paghatol sa mga tao, mawawalan ang mga mananampalataya ng mga lalaking dating kasama nila sa Mundo, na nagdarasal ng dasal nila, nagbibigay ng mga zakāh nila, nag-aayuno ng pag-aayuno nila, nagsasagawa ng ḥajj nila, at sumasalakay ng pagsalakay nila kaya magsasabi sila: "O Panginoon namin, may mga lingkod kabilang sa mga lingkod Mo. Sila dati ay kasama namin sa Mundo, na nagdarasal ng dasal namin, nagbibigay ng mga zakāh namin, nag-aayuno ng pag-aayuno namin, nagsasagawa ng ḥajj namin, at sumasalakay ng pagsalakay namin. Hindi namin sila nakikita." Kaya magsasabi Siya: "Pumunta kayo sa Impiyerno, at ang sinumang matagpuan ninyo sa loob niyon kabilang sa kanila ay palabasin ninyo." Sinabi: "Kaya matatagpuan nila ang mga iyon na kinuha na ng apoy ayon sa sukat ng mga gawa nila. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa mga paa niya. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa kalahati ng mga lulod niya. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa mga tuhod niya. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa mga suso niya. Mayroon sa kanilang pinaligiran ng apoy. Mayroon sa kanilang kinuha nito hanggang sa leeg niya ngunit hindi natakpan ang mukha. Ilalabas nila ang mga ito mula roon at itatapon sa tubig ng buhay." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang buhay?" Nagsabi siya: "Ang paghuhugas sa mga maninirahan sa Paraiso at tutubo sila gaya ng pagtubo ng pananim." Nagsabi siya muli: "Sa loob niyon gaya ng pagtubo ng pananim sa yagit ng baha. Pagkatapos ay mamamagitan ang mga propeta sa bawat sinumang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh nang wagas kaya palalabasin sila mula roon." Nagsabi siya: "Pagkatapos ay mahahabag si Allāh sa pamamagitan ng awa Niya sa sinumang nasa loob niyon kaya hindi Siya mag-iiwan sa loob niyon ng isang lingkod na sa puso nito ay may singbigat ng isang buto na pananampalataya malibang palalabasin Niya ito mula roon.

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Kapag nangyari Araw ng Pagkabuhay, ilalagay ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang landasin sa gitna ng Impiyerno. Sa landasin ay may mga tinik na matigas. Pagkatapos ay uutusan ang mga tao na tumawid doon. Mayroon sa kanilang maliligtas, masasagip, at hindi maaabot ng apoy. Mayroon sa kanilang matatalupan pagkatapos ay maliligtas at masasagip. Mayroon sa kanilang babagsak sa Impiyerno. Kapag natapos si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pagtuos sa mga lingkod Niya at naipasok na sa Paraiso ang mga maninirahan sa Paraiso at sa Impiyerno ang mga maninirahan sa Impiyerno, hindi matatagpuan ng mga mananampalatayang kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ang ilang taong dating kasama nila sa Mundo na nagdarasal, nagbibigay ng zakāh, nag-aayuno, nagsasagawa ng ḥajj, at nakikibaka kasama nila. Kaya magsasabi sila kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Tunay na kami ay hindi nakakikita sa mga taong ito, bilang kasama namin sa Paraiso gayong sila dati ay nagdarasal, nagbibigay ng zakāh, nag-aayuno, nagsasagawa ng ḥajj, at nakikibaka kasama namin sa Mundo. Kaya magsasabi si Allāh sa kanila: "Pumunta kayo sa Impiyerno, at ang sinumang matagpuan ninyo sa loob niyon kabilang sa kanila ay palabasin ninyo." Kaya matatagpuan nila ang mga iyon na dinapuan na ng apoy ayon sa sukat ng mga gawa nila. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa mga paa niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa kalahati ng mga lulod niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa mga tuhod niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa kalagitnaan niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa mga suso niya. Mayroon sa kanilang dinapuan nito hanggang sa leeg niya ngunit ang apoy ay hindi umabot sa mukha. Mamamagitan sa kanila, ilalabas sila mula sa Impiyerno, at itatapon sila sa tubig ng buhay, tubig na mabubuhay ang sinumang inilubog doon kaya tutubo sila gaya ng pagtubo ng pananim sa daluyan ng agos. Pagkatapos ay mamamagitan ang mga propeta sa bawat sinumang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh nang wagas kaya palalabasin sila mula roon. Pagkatapos ay mahahabag si Allāh sa pamamagitan ng awa Niya sa sinumang nasa loob ng Impiyerno kaya hindi Siya mag-iiwan sa loob niyon ng isa mang sa puso nito ay may sukat ng bigat ng isang buto na pananampalataya malibang palalabasin Niya ito mula roon.

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay, Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno