{Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi

{Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi

Ayon kay `Abdullāh Bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi. Pagkatapos siya ay magiging isang malalinta [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos siya ay magiging isang kimpal na laman [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos ipadadala sa kanya ang anghel saka papayagan ito ng apat na pangungusap [ng pagtatakda], kaya magsusulat ito ng panustos sa kanya, taning niya, gawain niya, at pagiging miserable o maligaya. Pagkatapos iihip ito sa kanya ng espiritu. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna naman sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno, kaya papasok siya sa Impiyerno. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso kaya papasok siya roon."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagsabi si Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan – yayamang nagpatotoo sa kanya si Allāh (napakataas Siya). Nagsabi siya: "Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay tinitipon ang paglikha sa kanya." Iyon ay dahil ang lalaki, kapag nakipagtalik sa maybahay niya, ang nagkahiwa-hiwalay na punlay niya ay tinitipon sa tiyan ng babae nang apatnapung araw bilang isang patak. Pagkatapos siya ay magiging isang malalinta. Ito ay ang dugong malapot na namuo. Ito ay sa ikalawang apatnapung araw. Pagkatapos siya ay magiging isang kimpal na laman. Ito ay isang piraso ng laman na kasing laki na nangunguya. Ito ay sa ikatlong apatnapung araw. Pagkatapos isusugo ni Allāh sa kanya ang anghel, saka mag-iihip ito sa kanya ng espiritu matapos ng pagwawakas ng ikatlong apatnapung araw. Uutusan ang anghel na magsulat ng apat na pangungusap. Ang mga ito ay ang panustos sa kanya, ang sukat ng tatamuhin niya na mga biyaya sa buhay niya; ang taning niya, ang haba ng pamamalagi niya sa Mundo; ang gawain niya, kung ano ito; at ang pagiging miserable o maligaya. Pagkatapos sumumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang isa ay talagang gumagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso at ang gawain niya ay nagiging maayos, ibig sabihin: sa lumilitaw sa mga tao. Nananatili siyang gayon hanggang sa walang maging nasa pagitan niya at ng Paraiso kundi [distansiyang] isang siko. Ibig sabihin: Walang natitira sa pagitan niya at ng pag-abot niya roon kundi gaya ng sinumang ang natira sa pagitan nito at ng isang lugar sa lupa ay [distansiyang] isang siko, ngunit mananaig sa kanya ang nakasulat at ang itinakda sa kanya. Kaya sa sandaling iyon gagawa siya ng gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno saka magpapawakas para sa kanya rito kaya papasok siya sa Impiyerno. dahil ang kundisyon ng pagtanggap sa gawain niya ay magpakatatag siya rito at hindi magpalit. May iba naman sa mga tao na gagawa ng mga gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa nalapit siya sa pagpasok doon. Para bang sa pagitan niya at ng Impiyerno ay distansiya ng isang siko sa lupa, ngunit mananaig sa kanya ang nakasulat at ang itinakda sa kanya kaya gagawa siya ng gawain ng mga maninirahan sa Paraiso at papasok siya sa Paraiso.

فوائد الحديث

Ang kahahantungan ng mga bagay sa kahihinatnan ay tungo sa nauna rito ang pagtatadhana at naipatutupad dito ang pagtatakda.

Ang pagbibigay-babala laban sa pagkalinlang sa mga anyo ng mga gawain sapagkat ang mga gawain ay ayon lamang sa mga pangwakas.

التصنيفات

Ang Pananampalataya sa Huling Araw, Ang mga Anghel, Ang mga Antas ng Pagtatadhana at Pagtatakda, Ang Islām