إعدادات العرض
Tunay na ang isa sa inyo, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang upuan niya sa umaga at gabi
Tunay na ang isa sa inyo, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang upuan niya sa umaga at gabi
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang isa sa inyo, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang upuan niya sa umaga at gabi. Kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, kabilang siya sa mga maninirahan sa Paraiso; at kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, kabilang siya sa mga maninirahan sa Impiyerno; saka sasabihin: Ito ang upuan mo hanggang sa bumuhay sa iyo si Allāh sa Araw ng Pagbangon."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو हिन्दी 中文 ئۇيغۇرچە Kurdî Português Tiếng Việt Kiswahili Nederlands অসমীয়া ગુજરાતી සිංහල Magyar ქართული Hausa Română ไทย తెలుగు मराठी ភាសាខ្មែរ دری አማርኛ Македонскиالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang tuluyan niya at ang lugar niya na natatangi sa Paraiso o Impiyerno sa simula ng maghapon at wakas nito: ang lugar niya sa Paraiso kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso at ang lugar niya sa Impiyerno siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, at sasabihin sa kanya: "Ito ang upuan mo na bubuhayin ka rito sa Araw ng Pagbangon." Sa gayon ay may ginhawa sa mananampalataya at may pagpaparusa sa tagatangging sumampalataya.فوائد الحديث
Ang pagdurusa sa libingan at ang kaginhawahan doon ay totoo.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Tunay na ang paglalahad na ito sa mananampalatayang mapangilag magkasala at tagatangging sumampalataya ay hayag. Hinggil naman sa mananampalatayang nalilito, naisasaposibilidad din na maglahad sa kanya ng upuan niya sa Paraiso na hahantungan niya.
التصنيفات
Ang Buhay Pang-Barzakh