Tunay na silang dalawa ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking kasalanan. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagtatakip sa pag-ihi. Hinggil naman sa isa pa, siya noon ay naglalako ng paninirang-puri

Tunay na silang dalawa ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking kasalanan. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagtatakip sa pag-ihi. Hinggil naman sa isa pa, siya noon ay naglalako ng paninirang-puri

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang libingan saka nagsabi siya: "Tunay na silang dalawa ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking kasalanan. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagtatakip sa pag-ihi. Hinggil naman sa isa pa, siya noon ay naglalako ng paninirang-puri." Pagkatapos kumuha siya ng isang sariwang palapa saka naghati siya nito sa dalawang hati saka nagtusok sa bawat libingan ng isa. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, bakit mo ginawa iyan?" Nagsabi siya: "Harinawang iyan ay magpapagaan para sa kanilang dalawa hanggat hindi natuyo."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang libingan saka nagsabi siya: Tunay na ang dalawang nakalibing sa dalawang libingang ito ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking bagay sa paningin ninyo, kahit pa ito ay malaki sa ganang kay Allāh. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagpapahalaga sa pag-iingat sa katawan niya at mga kasuutan niya sa talsik ng ihi kapag tumutugon siya sa tawag ng kalikasan niya. Ang isa naman ay naglalako noon ng paninirang-puri sa mga tao sapagkat nagpapaabot siya ng pananalita ng ibang tao nang may pakay na makapinsala at makapagsadlak ng alitan at panlilibak sa pagitan ng mga tao.

فوائد الحديث

Ang paninirang-puri at ang pagwaksi ng pag-iingat sa talsik ng ihi ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala at kabilang sa mga kadahilanan ng pagdurusa sa libingan.

Ang pagbunyag ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ng ilan sa mga inilingid, gaya ng pagdurusa sa libingan, ay bilang pagpapalitaw ng palatandaan ng pagkapropeta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang gawaing ito na pagbiyak ng palapa at paglalagay nito sa libingan ay natatangi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil si Allāh ay nagpatalos sa kanya ng kalagayan ng dalawang nakalibing sa libingan. Kaya naman hindi naihahambing sa kanya ang iba pa sa kanya dahil walang isang nakaaalam sa mga kalagayan ng mga nakalibing sa mga libingan.

التصنيفات

Ang Buhay Pang-Barzakh, Ang Etikang Kapula-pula, Ang mga Hilakbot sa mga Libingan