Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Impiyerno: "Nasa akin ang mga palalo at ang mapagmalaki." Nagsabi ang Paraiso: "Nasa akin ang mga mahina sa mga tao at ang mga dukha nila."

Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Impiyerno: "Nasa akin ang mga palalo at ang mapagmalaki." Nagsabi ang Paraiso: "Nasa akin ang mga mahina sa mga tao at ang mga dukha nila."

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya: "Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Impiyerno: 'Nasa akin ang mga palalo at ang mga mapagmalaki.' Nagsabi ang Paraiso: 'Nasa akin ang mga mahina sa mga tao at ang mga dukha nila.'"

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth na ito: Na ang Paraiso at ang Impiyerno ay nangatwiran sa isa't isa sa kanila; ang bawat isa ay naglahad ng katwiran nito. Ito ay kabilang sa mga usaping espirituwal na kinakailangan sa atin na paniwalaan kahit pa man itinutulak ito ng mga isip. Ang Paraiso ay nangatwiran sa Impiyerno. Ang Impiyerno ay nangatwiran sa Paraiso. Ang Impiyerno ay nangatwiran na nasa kanya ang mga palalo at ang mga mapagmalaki. Ang mga palalo ay ang mga may kagaspangan at katigasan. Ang mga mapagmalaki at ang mga may pagmamayabang at pagmamataas, ang mga nanghahamak sa mga tao at tumatanggi sa katotohanan gaya ng sinabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, hinggil sa pagmamalaki: "Tunay na ito ay pang-aaba sa katotohanan at panghahamak sa mga tao." Ang mga may kapalaluan at ang mga may pagmamalaki ay ang mga maninirahan sa Impiyerno - ang pagpapakupkop ay kay Allah. Marahil ang maninirahan sa Impiyerno ay banayad sa mga tao, maganda ang kaasalan ngunit palalo kaugnay sa katotohanan, nagmamalaki sa katotohanan kaya hindi niya mapakikinabangan ang kabanalan niya at ang kabaitan niya sa mga tayo. Bagkus siya ay inilalarawang nagtataglay ng kapalaluan at pagmamalaki, kahit pa man siya banayad sa mga tao dahil nagpakapalalo at nagmalaki sa katotohanan. Ang Parasio naman ay nagsabi na nasa kanya ang mga mahina ng mga tao at ang mga maralita nila sapagkat sila sa kadalasan ang mga nagpapakaamo sa katotohanan at nagpapaakay rito. Ang mga may pagmamalaki at kapalaluan, kadalasan sila ay hindi nagpapaakay. Hinatulan silang dalawa ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Nagsabi Siya sa Paraiso: "Tunay na Ikaw, ang Paraiso, ay awa Ko; naaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang ninanais Ko." Nagsabi naman Siya sa Impiyerno: "Tunay na Ikaw, ang Impiyerno, ay parusa Ko; nagpaparusa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang ninanais Ko." Pagkatapos ay nagsabi pa Siya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Sa kapwa sa inyo tungkulin Kong magpuno sa bawat isa." Ginarantiyahan Niya at inobliga ang sarili Niya na pupunuin Niya ang Paraiso at pupunuin Niya ang Impiyerno. Ang kabutihang-loob ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, at ang awa Niya ay higit na malawak kaysa sa galit Niya. Tunay na Siya, kapag Araw na ng Pagkabuhay, ay maghahagis ng ihahagis sa Impiyerno at ito naman ay magsasabi: "May dagdag pa ba?" Ibig sabihin: "Bigyan ninyo ako, bigyan ninyo ako, dagdagan ninyo." Ilalagay ni Allah sa ibabaw nito ang paa Niya at magsisiksikan sila sa isa't isa: didikit sila sa isa't isa dahil sa resulta ng pagtapak ng Panginoon, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, rito ng paa Niya. Magsasabi [ang Impiyernong] ito: "Tama na, tama na." Ibig sabihin: "Sapat na, sapat na." Ito ang pagkapuno nito. Tungkol naman sa Paraiso, tunay na ang Paraiso ay malawak. Ang luwang nito ay [ang pagitan ng] mga langit at lupa. Papasukin ito ng mga maninirahan rito at mananatili sa loob nito ang labis na kabutihang-loob sa mga maninirahan rito. Maglalagay si Allah, pagkataas-taas Niya, para rito ng mga tao. Papapasukin Niya sila dahil sa kabuitihang-loob Niya at awa Niya dahil si Allah ay naggarantiyang pupunuin Niya ito.

التصنيفات

Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno