إعدادات العرض
Ang sinumang gumugol sa dalawang asawa sa landas ni Allāh ay ipananawagan mula sa mga pinto ng Paraiso: O Lingkod ni Allāh, ito ay mabuti. Ang sinumang kabilang sa mga alagad ng pagdarasal ay tatawagin mula sa pinto ng pagdarasal. Ang sinumang alagad ng pakikibaka ay tatawagin mula sa pinto ng…
Ang sinumang gumugol sa dalawang asawa sa landas ni Allāh ay ipananawagan mula sa mga pinto ng Paraiso: O Lingkod ni Allāh, ito ay mabuti. Ang sinumang kabilang sa mga alagad ng pagdarasal ay tatawagin mula sa pinto ng pagdarasal. Ang sinumang alagad ng pakikibaka ay tatawagin mula sa pinto ng pakikibaka.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang gumugol sa dalawang asawa sa landas ni Allāh ay ipananawagan mula sa mga pinto ng Paraiso: O Lingkod ni Allāh, ito ay mabuti. Ang sinumang kabilang sa mga alagad ng pagdarasal ay tatawagin mula sa pinto ng pagdarasal. Ang sinumang alagad ng pakikibaka ay tatawagin mula sa pinto ng pakikibaka. Ang sinumang alagad ng pag-aayuno ay tatawagin mula sa pinto ng Rayyān. Ang sinumang alagad ng kawanggawa ay tatawagin mula sa pinto ng kawanggawa." Nagsabi si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya: "Sa pamamagitan ng ama ko, ikaw [ay tubusin nawa], at sa pamamagitan ng ina ko, o Sugo ni Allāh! Ang tinawag mula sa mga pintong iyon wala nang pangangailangan. May isa po bang tatawagin mula sa mga pintong iyon, sa lahat ng iyon?" Nagsabi siya: "Oo, at umaasa akong ikaw ay kabilang sa kanila."
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Portuguêsالشرح
Ang sinumang nagkawanggawa ng mga anuman kabilang sa mga pagkain o mga kasuutan o mga sasakyan o mga pera sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh, tatawagin siya ng mga anghel mula sa mga pinto ng Paraiso na sumasalubong sa pagdating niya sa kanila habang sila ay nagsasabi: "Talagang ngang nagpauna ka ng maraming kabutihang gagantimpalaan ka dahil sa mga ito ngayong araw ng isang malaking gantimpala." Ang mga nagpaparami ng pagdarasal ay ipananawagan mula sa pinto ng pagdarasal at papasok mula roon. Ang mga nagpaparami ng kawanggawa ay ipananawagan mula sa pinto ng kawanggawa at papasok mula roon. Ang mga nagpaparami ng pag-aayuno ay sasalubungin ng mga anghel sa tabi ng pinto ng Rayyān, habang nag-aanyaya sa kanila sa pagpasok mula roon. Ang kahulugan ng Rayyān ay ang pumapawi ng uhaw dahil ang mga nag-aayuno ay nagpipigil uminom ng tubig kaya dumaranas sila ng uhaw lalo na sa mga mahabang mainit na araw ng tag-init kaya gagantihan sila dahil sa uhaw nila ng nananatiling pagkapawi ng uhaw sa Paraiso na papasok sila roon mula sa pintong iyon. Noong narinig ni Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, ang ḥadīth na ito ay nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng ama ko, ikaw [ay tubusin nawa], at sa pamamagitan ng ina ko, ang sinumang pumasok mula sa mga pintong iyon ay wala nang kakulangan at wala nang pagkalugi." Pagkatapos ay nagsabi siya: "May isa po bang tatawagin mula sa mga pintong iyon, sa lahat ng iyon?" Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Oo, at umaasa akong ikaw ay kabilang sa kanila."