إعدادات العرض
Ang naglalaitan sa sinasabi nila, nasa nagpasimula sa kanilang dalawa [ang kasalanan] hanggang hindi nagmamalabis ang naapi.
Ang naglalaitan sa sinasabi nila, nasa nagpasimula sa kanilang dalawa [ang kasalanan] hanggang hindi nagmamalabis ang naapi.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang naglalaitan sa sinasabi nila, nasa nagpasimula sa kanilang dalawa [ang kasalanan] hanggang hindi nagmamalabis ang naapi."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Ang lahat ng namutawi sa naglalaitan, tunay na ang kasalanan doon ay nasa nagpasimula sa kanilang dalawa dahil siya ang nangangaway sa pamamagitan ng panlalait niya. Ang ikalawa naman ay walang kasalanan dahil siya ay pinahihintulutang tumugon sa nang-api sa kanya. Kung nagmalabis naman ang naapi sa nang-aapi sa pamamagitan ng paglampas sa limitasyong ipinahihintulot, ang kasalanan ng naapi ay higit na marami kaysa sa kasalanan ng nagpasimula.