Pangilagan ninyo ang mga panalangin ng naapi sapagkat tunay na ang mga ito ay umaakyat sa langit na para bang ang mga ito ay mga dagitab."

Pangilagan ninyo ang mga panalangin ng naapi sapagkat tunay na ang mga ito ay umaakyat sa langit na para bang ang mga ito ay mga dagitab."

Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Pangilagan ninyo ang mga panalangin ng naapi sapagkat tunay na ang mga ito ay umaakyat sa langit na para bang ang mga ito ay mga dagitab."

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim]

الشرح

Iwasan ninyo ang pang-aapi at mangamba kayo sa panalangin ng naapi sapagkat tunay na ito ay umaakyat kay Allah sa langit gaya ng mga dagitab. Iwinangis niya ito sa mga dagitab sa bilis ng pag-akyat nito o dahil sa ito ay lumabas mula sa isang pusong nagliliyab sa apoy ng paniniil at pang-aapi at na ito sa panunuot nito sa pagtatakip ay para bang ito ay dagitab sa epekto nito.

التصنيفات

Ang mga Kadahilanan ng Pagsagot [ni Allāh] sa Du`ā' at mga Nakahahadlang Dito