Ano pa ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya.

Ano pa ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya.

Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Sinabi sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ano po ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: na may taong gagawa ng matuwid na gawa para kay Allah. Hindi siya naglalayon dito ng ikalulugod ng mga tao. Pagkatapos tunay na na ang mga tao ay magpupuri sa kanya dahil doon. Magsasabi sila: "Si Polano ay maraming nagawang mabuti. Si Polano ay maraming nagawang pagtalima. Si Polano ay maraming nagawang kagandahang-loob sa mga nilikha." At anumang nakawangis niyon. Magsasabi naman ang Propeta, (s): "Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya." Ito ay ang papuri sa taong ito dahil kapag ang mga tao ay nagpuri sa tao ng kabutihan, sila ay mga saksi ni Allah sa lupa Niya. Dahil dito, noong may naparaang isang ililibing sa kinaroroonan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang ang mga kasamahan niya ay nagpuri roon ng mabuti, nagsabi siyang karapat-dapat iyon. Pagkatapos ay may naparaang isa pang ililibing at nagsabi sila roon ng masama. Nagsabi siyang karapat-dapat iyon kaya nagsabi naman sila: "O Sugo ni Allah, ano po ang naging karapat-dapat?" Nagsabi siya: "Tungkol sa una, naging karapat-dapat para sa kanya ang Paraiso. Tungkol naman sa ikalawa, naging karapat-dapat para sa kanya ang Impiyerno. Kayo ay mga saksi ni Allah sa lupa." Ito ang kahulugan ng sabi niya: "Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya." Ang pagkakaiba nito at ng pagpapakitang-tao ay na ang nagpapakitang-tao ay hindi gumagawa ng gawain malibang upang makita siya ng mga tao at papurihan nila siya kaya naman sa kalagayang ito ay nagtambal nga siya kay Allah ng iba pa. Ang isa namang ito ay may layuning inilalaan kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at hindi sumagi sa isip niya na papurihan siya ng mga tao o pulaan nila siya. Kapag nalaman nila ang pagtalima niya at pinuri nila siya, ito ay hindi pagpapakitang-tao; ito ay maagang magandang balita. Ang pagkakaiba nito at ng nabanggit sa ḥadīth ay isang mabigat na pagkakaiba. Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/354-355.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos