"Tunay na ang demonyo ay dumadaloy mula sa anak ni Adan gaya ng pagdaloy ng dugo at tunay na ako ay natakot na pumukol siya sa mga puso ninyong dalawa ng kasamaan," o nagsabi siya: "...ng anuman."

"Tunay na ang demonyo ay dumadaloy mula sa anak ni Adan gaya ng pagdaloy ng dugo at tunay na ako ay natakot na pumukol siya sa mga puso ninyong dalawa ng kasamaan," o nagsabi siya: "...ng anuman."

Ayon kay Ṣafīyah bint Ḥuyayy, malugod si Allah sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa ng i`tikāf nang pinuntahan ko siya upang dalawin isang gabi at kinausap ko siya. Pagkatapos ay tumayo ako upang umuwi at tumayo siya kasama ko upang iuwi ako." Ang tirahan nito ay nasa bahay ni Usāmah bin Zayd. May napadaang dalawang lalaking kabilang sa mga Anṣārīy. Noong nakita ng dalawang iyon ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagmadali ang dalawang iyon kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Maghinay-hinay kayong dalawa; tunay na siya ay si Ṣafīyah bint Ḥuyayy." Nagsabi ang dalawang iyon: "Napakamaluwalhati ni Allah, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Tunay na ang demonyo ay dumadaloy mula sa anak ni Adan gaya ng pagdaloy ng dugo at tunay na ako ay natakot na pumukol siya sa mga puso ninyong dalawa ng kasamaan," o nagsabi siya: "...ng anuman." Sa isang sanaysay: "na ito ay dumating upang dumalaw sa kanya sa i`tikāf niya sa masjid sa sampung huling araw ng Ramaḍān at nakipag-usap ito sa piling niya nang saglit. Pagkatapos ay tumindig ito upang umuwi. Tumindig ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kasama nito upang iuwi ito hanggang sa nang umabot ito sa pintuan ng masjid sa tabi ng pintuan ni Umm Salamah..." Pagkatapos ay bumanggit siya ng ayon sa kahulugan niyon.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa ng i`tikāf sa sampung huling araw ng Ramaḍān nang ang maybahay niyang si Ṣafīyah, malugod si Allah dito, ay dumalaw sa kanya sa isa mga gabi. Kinausap nito siya nang saglit. Pagkatapos ay tumayo ito upang umuwi sa bahay nito. Tumayo siya kasama nito upang ihatid ito at sabayan ito. May napadaang dalawang lalaking kabilang sa mga Anṣārīy. Noong nakita ng dalawang iyon ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagmadali ang dalawang iyon sa paglalakad dala ng pagkahiya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang nakita siya ng dalawa iyon kasama ang maybahay niya. Kaya nagsabi siya: "Maghinay-hinay kayong dalawa..." Nangangahulugan ito: magdahan-dahan kayo sa paglalakad; siya ay maybahay ko lamang na si Ṣafīyah. Kaya nasabi ng dalawang iyon: "Napakamaluwalhati ni Allah, o Sugo ni Allah. Pumapasok ba sa isip ang pag-aakala ng kasagwaan sa iyo?" Kaya ipinabatid niya sa dalawang iyon na ang demonyo ay masigasig sa pagbuyo sa mga anak ni Adan. Ito ay may malaking kapangyarihan sa kanila sapagkat ito ay dumadaloy mula sa kanila gaya ng pagdaloy ng dugo dahil sa selan ng mga pasukan nito at pagkakubli ng mga tinatahakan nito. Natakot siya na pumukol ito sa mga puso nilang dalawa ng anuman.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagdalaw at Pagpaalam, Ang I`tikāf