إعدادات العرض
1- Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nanatili noon [sa masjid] sa bawat Ramaḍān nang sampung araw. Noong taon na kinuha siya, nanatili siya [sa masjid] nang dalawampung araw.
2- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa bawiin siya ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pagkatapos ay nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya matapos niya.
3- Oh Sugo ni Allah, katotohanan ako ay nakasumpa sa panahon ng kamangmangan na mag-i'tikaf (pamamalagi sa masjid upang magsagawa ng ibadah) sa isang gabi, at sa isang salaysay: sa isang araw- sa Masjid Haram? ang sabi Niya: Kung ganon tuparin mo ang iyong sumpa.
4- Ang sinumang nagsagawa ng i`tikāf kasama ko ay magsagawa siya ng i`tikāf sa huling sampung araw sapagkat ipinaalam nga sa akin ang gabing ito, pagkatapos ay ipinalimot sa akin ito. Nakita ko nga na ako ay nagpapatirapa sa tubig at putik nang umaga niyon kaya hanapin ninyo ito sa huling sampung araw
5- "Tunay na ang demonyo ay dumadaloy mula sa anak ni Adan gaya ng pagdaloy ng dugo at tunay na ako ay natakot na pumukol siya sa mga puso ninyong dalawa ng kasamaan," o nagsabi siya: "...ng anuman."